Si Asurbanipal o Ashurbanipal (Akadyano: Aššur-bāni-apli, "Ang diyos na si Ashur ang tagapaglikha ng isang tagapagmana")[1] (ipinanganak noong 685 BCE – sirka 627 BCE, naghari noong 668 – sirka 627 BCE)[2], ang anak na lalaki ni Esarhaddon, ay ang huling dakilang hari ng Neo-Asiriong Imperyo. Siya ang naglunsad (nagsimula) at nagtatag ng unang sistematiko at organisadong aklatan sa sinaunang Gitnang Silangan,[3], na kilala bilang Aklatan ni Asurbanipal, na nananatili pa rin ang bahagi magpahanggang sa ngayon sa Ninive.

Asurbanipal
Kapanganakan685 BCE (Huliyano)
  • (Mosul, Nineveh Governorate, Kingdom of Iraq)
Kamatayan631 BCE (Huliyano)
  • (Mosul, Nineveh Governorate, Kingdom of Iraq)
MamamayanAsirya
AnakAshur-etil-ilani
Sinsharishkun
Magulang

Sa Bibliya, tinatawag siyang As (e)nappar o Osnapper (Ezra 4:10[4]). Ipinakilala siya ng Romanong historyador na si Justinus bilang si Sardanapalus.[5]

Aklatan ni Ashurbanipal

baguhin

Ang haring Asiryo na si Ashurbanipal ay kilala sa pagtitipon ng mga teksto at tableta sa Aklatan ni Ashurbanipal. Sa pagtitipon ng mga teksto sa kanyang aklatan, sumulat siya sa mga lungsod at sentro ng pagkatuto sa buong Mesopotamiya na nag-utos sa kanila na magpadala ng mga kopya ng lahat ng mga akdang isinulat rehiyon..[6] Bilang aprentis na iskriba, pinag-aralan niya ang mga Wikang Akkadiyo at Wikang Sumeryo. Nagpadala siya ng mga iskriba sa bawat rehiyon ng Imperyong Neo-Asirya upang magtipon ng mga sinaunang teksto. Humirang siya ng mga iskolar at iskriba upang kopyahin ang mga teksto mula sa mga sangguniang Babilonyo. Ito ay naglalaman ng 30,000 tableta at teksto at kabilang sa aklatan ang mga kilalang panitikan na Epiko ni Gilgamesh, mito ng paglikha na Enûma Eliš, kuwento ng unang tao na si Adapa at Mahirap na tao ng Nippur.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dictionary of the Ancient Near East, Mga Patnugot na sina Piotr Bienkowski at Alan Millard, p. 36.
  2. Ito ang mga petsa ayon sa talaan ng mga haring Asiryo, Talaan ng mga haring Asiryo
  3. Ashurbanipal, from the Encyclopædia Britannica
  4. Tingnan ang iba pang mga bersiyon sa Ezra 4:10
  5. Marcus Junianus Justinus. "Epitome of the Philippic History of Pompeius Trogus" (HTML). His successors too, following his example, gave answers to their people through their ministers. The Assyrians, who were afterwards called Syrians, held their empire thirteen hundred years. The last king that reigned over them was Sardanapalus, a man more effeminate than a woman.
  6. "Ashurbanipal". World History Encyclopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.