Athena

Sinaunang diyosa ng karunungan at digmaan ng mga Griyego
(Idinirekta mula sa Atenas (diyosa))

Si Atena, (sulat Griyego: Αθηνά; Latin: Athena o Pallas Athena[1]), ang Griyegong diyosa ng karunungan, sining, at digmaan, na katumbas ni Minerva sa mitolohiyang Romano.[1][2] Sa kanya ipinangalan ang lungsod-estado ng Atenas, ang kanyang lungsod na pangkasalukuyang punong lungsod ng buong Gresya. Pinakadakila sa mga templong itinayo para sa kanya ang Partenon.[1][2]

Si Athena, habang nakatuntong sa kanang kamay niya si Nike.
Para sa punong lungsod ng Gresya, tingnan ang Atenas.

Paglalarawan

baguhin

Si Athena ay isang parthenos, sa wikang Griyego, o birhen. Hindi siya isinilang mula sa sinapupunan ng isang babae. Sa halip, nagmula siya sa ulo ng kanyang amang si Zeus.[1][2] Noong ipinanganak, balot na ang kanyang buong katawan ng mga baluting pandigma. Mayroon siyang abuhing mga mata, at may marangal na pagtindig at pagkilos. Mataas niyang hinahawakan ang kanyang sibat. Kasama sa kanyang mga baluti ang aegis, isang kalasag na pangdibdib. Mayroon siyang pantawag na pangdigmaan o sigaw na panglabanan na nakakapagdala ng takot sa mga kalalakihan at iba pang mga tao. Ngunit bagaman kalimitang kasangkot sa mga digmaan, hindi niya nais ang labanan dahil lamang sa kasiyahan o kasiglahang nakukuha mula rito. Isa siya sa itinuturing na pinakamarunong at pinakamakapangyarihang sa mga diyosa.[1]

Tingnan din

baguhin
  • Ares, diyos ng digmaan

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Pallas Athena, Athena, Goddess of Wisdom". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357-361.
  2. 2.0 2.1 2.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Athena, Minerva". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.