Talaan ng mga institusyong pang-edukasyon na Heswita sa Pilipinas

(Idinirekta mula sa Ateneo)

Ang salitang Ateneo ay hango sa Kastilang salin ng "Athenaeum". Ayon sa Dictionary of Classical Antiquities, ang Athenaeum ay,

Ang pangalan ng unang institusyon ng karunungan sa Roma na itinayo ni Hadrian noong mga 135 A.D. Doon ginaganap ng mga manunula, at mga retoriko ang kanilang mga pagbigkas, at doon itinuturo ng mga bayarang guro ang iba't ibang sangay ng liberal na edukasyon, pilosopiya, at retorika, at maging ang balarila at batas.

Ginagamit rin ang Ateneo sa bahagi pangalan ng mga Heswitang paaralan sa Pilipinas, (sa pormang "Ateneo de [lungsod]") Ang mga sumusunod ang ilan sa mga paaralang nagngangalang Ateneo sa Pilipinas at kung kailan sila itinatag:

Mga pamantasan

baguhin
Pamantasan Lokasyon Enrollment Palayaw sa palakasan/sports Mga Kulay Itinatag
Ateneo de Davao University Davao City 13,676 Blue Knights blue, white 1948
Ateneo de Manila University Quezon City, Metro Manila 11,465 Blue Eagles blue, white 1859
Ateneo de Naga University Naga, Camarines Sur Golden Knights blue, gold 1940
Ateneo de Zamboanga University Zamboanga City 10,000 approx. Blue Eagles blue, white 1912
Loyola College of Culion Culion, Palawan 554 black, white 1936
Xavier University – Ateneo de Cagayan Cagayan de Oro, Misamis Oriental 14,564 Crusaders blue, white 1933

Mga paaralang hindi pamantasan

baguhin
Paaralan Lokasyon Enrollment Palayaw sa palakasan/sports Mga Kulay Itinatag
Ateneo de Iloilo – Santa Maria Catholic School Iloilo City, Iloilo Blue Dragons blue, white 1958
Sacred Heart School – Ateneo de Cebu Mandaue, Cebu Blue Eagles blue, gold, white 1955
Xavier School San Juan, Metro Manila 4,000 approx. Stallions blue, gold 1957
baguhin