Naga, Camarines Sur

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Camarines Sur
(Idinirekta mula sa Naga City)

Ang Lungsod ng Naga (Bikol: Ciudad nin Naga) ay isang 1st class o primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Camarines Sur, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 209,170 sa may 45,984 na kabahayan. Ang Naga ay tinatawag din na "The Heart of Bicol" at "The Queen City of Bicol".

Naga

Naga City

Lungsod ng Naga
Mapa ng Camarines Sur na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Naga
Mapa ng Camarines Sur na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Naga
Map
Naga is located in Pilipinas
Naga
Naga
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 13°37′28″N 123°11′11″E / 13.6244°N 123.1864°E / 13.6244; 123.1864
Bansa Pilipinas
RehiyonBicol (Rehiyong V)
LalawiganCamarines Sur
Distrito— 0501724000
Mga barangay27 (alamin)
Ganap na LungsodDisyembre 15, 1948
Pamahalaan
 • Punong LungsodNelson S. Legasion (Partido Liberal)
 • Manghalalal117,481 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan84.48 km2 (32.62 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan209,170
 • Kapal2,500/km2 (6,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
45,984
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan21.37% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
4400
PSGC
0501724000
Kodigong pantawag54
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Gitnang Bikol
Inagta Partido
wikang Tagalog
Websaytnaga.gov.ph
Para sa ibang mga gamit ng salitang Naga, tingnan ang Naga (paglilinaw).

Kasaysayan

baguhin

Bago pa ang pagdating ng mga mananakop na Kastila, ang Naga ay isa nang ganap na bayan na malapit sa Ilog Naga. Iyon ay naging mahalang bayan na may mga matitibay na kagamitang panlaban at nakamamanghang mahusay na kultura.

Nang sakupin ng mga Kastila ng ilang daan taon, ang kung ano ang Naga ngayon ay naging sentro ito ng kalakalan, edukasyon at kultura, at ang sentro ng pamahalaan at mga eklesiyastikong paghuhukom sa Bikol.

Noong 1573, sa pangalawang paglalakbay niya sa rehiyon, ang konkistador na si Juan de Salcedo ay tumapak sa bayan ay tinawag itong "Naga" dahil sa laganap na mga puno ng Narra ("Narra " sa Bikol na malalaking puno sa lugar). Noong 1576, Si Kapitan Pedro de Chávez ang pinuno ng garison na iniwan ni Salcedo, ang nakakita ng kasalukuyang lugar ng kalakalan, na pinangalanang la Ciudad de Cáceres, sa salitang Kastila, bilang pag-alaala kay Francisco de Sande, ang gubenardor heneral at katutubo ng lungsod ng Cáceres sa Espanya.

Lumipas ang panahon, at ang lungsod ng Kastila at ang bayan ng mga katutubo ay nagsama bilang isang malaking pamayanan at naging kilala bilang, Nueva Cáceres. Mayroon itong pamahalaang panlunsod ayon sa mga sinasabi ng batas ng Kastila, at may sariling ayuntamiento at cabildo. Sa simula ika-17 dantaon, mayroon lamang lima pang ibang ciudades sa Pilipinas. Ang Nueva Cáceres ay nanatiling kabisera ng lalawigan ng Ambos Camarines at naging kabisera naman ng Camarines Sur, hanggang sa pormal na buuin itong isang malayang lungsod sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.

Panahong pananakop ng Hapon

baguhin

Namugad ang mga hapon sa Ateneo De Naga at ginawa nila itong isang garison.

Nang paparating na ang mga Amerikano noong 1945, maraming bomba ang kanilang inihulog sa Lungsod ng Naga. Ito ang dahilan ng pagkasunog ng palengke. Maraming sibilyan ang nasugatan sa pambobombang ito.

Mga barangay

baguhin

Nahahati sa 27 barangay ang Naga.

  • Abella
  • Bagumbayan Norte
  • Bagumbayan Sur
  • Balatas
  • Calauag
  • Cararayan
  • Carolina
  • Concepcion Grande
  • Concepcion Pequeña
  • Dayangdang
  • Del Rosario
  • Dinaga
  • Igualdad Interior
  • Lerma
  • Liboton
  • Mabolo
  • Pacol
  • Panicuason
  • Peñafrancia
  • Sabang
  • San Felipe
  • San Francisco (City Center)
  • San Isidro
  • Santa Cruz
  • Tabuco
  • Tinago
  • Triangulo

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Naga
TaonPop.±% p.a.
1903 17,943—    
1918 9,396−4.22%
1939 22,505+4.25%
1948 56,238+10.71%
1960 55,506−0.11%
1970 79,846+3.70%
1975 83,337+0.86%
1980 90,712+1.71%
1990 115,329+2.43%
1995 126,972+1.82%
2000 137,810+1.77%
2007 160,516+2.13%
2010 174,931+3.18%
2015 196,003+2.19%
2020 209,170+1.29%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region V (Bicol Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.