Pamantasang Ateneo de Naga
Ang Pamantasang Ateneo de Naga (Ingles: Ateneo de Naga University) ay isang pamantasang Heswita, Katoliko at pampribado. Kilala ito bilang nangungunang pamantasan sa Bikol at Timog Luzon. Ito ay itinatag bilang paaralang Heswita para sa lalaking sekondarya noong 1940 sa imbitasyon ng Arsobispo ng Nueva Caceres at si Padre Francis Burns, S.J. bilang unang rektor. Noong ika - 5 ng Hunyo, 1947 ay binuksan ang Kolehiyo at anim na taon ang nakalipas ay nagsimulang tumanggap ng mga kababaihang estudyante sa Kolehiyo. Noong ika - 20 ng Pebrero, 1999 ay ginawaran ng CHED ang Ateneo de Naga bilang isang pamantasan at ang si Padre Raul J. Bonoan, S.J. bilang unang pangulo ng pamantasan. Nakaraang ika - 28 ng Agosto, 1999 ay ang instalasyon kay Padre Joel E. Tabora, S.J. bilang pangulo ng pamantasan.
Pamantasang Ateneo de Naga | |
---|---|
Sawikain | Primum Regnum Dei ("Seek first the Kingdom of God") |
Itinatag noong | 1940 |
Uri | Pribado, Pamantasang Heswita |
Academikong kawani | 166 |
Mga undergradweyt | Approx. 6,100 |
Lokasyon | , , |
Kampus | 7 ha. (Main Campus), 10 ha. (Pacol Campus) |
Hymn | "Ateneo" (Alma Mater Song) "The Regnum Dei" |
Maskot | Golden Knight |
Tingnan din
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.