Atenismo
Ang Atenismo o ang Heresiyang Amarna ay tumutukoy sa mga pagbabagong relihiyoso na nauugnay sa Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto sa ilalim ni Paraon Amenhotep IV na mas kilala sa kanyang ginamit na pangalang Akhenaten. Ang Atenismo ang relihyon ng estado ng Sinaunang Ehipto noong 1400 BCE at sinanay sa loob ng 20 taon bago ibalik ng mga kalauanang Paraon ang mga tradisyonal na diyos ng mga Ehipsiyo. Ang mga Paraon na nauugnay sa Atenismo ay binura sa mga rekord ng Ehipto. Simulang ipinakilala ni Amenhotep IV ang Atenio sa ikalimang taon ng kanyang paghahari(1348/1346 BCE) at itinaas si Aten sa katayuan ng supremang diyos pagkatapos na payagan sa simula ang patuloy na pagsamba ng mga tradisyonal na diyos ng Sinaunang Ehipto.[1] Upang bigyang diin ang pagbabago, ang pangalan ni Aten ay isinulat sa anyong cartouche na normal na nakareserba sa mga Paraon na isang inobasyon sa Atenism. Ang pagbabagong relihiyosong ito ay lumilitaw na kasabay ng pagpoproklama ng pistang Sed na medyo isang jubilee ng hari na nilalayon upang palakasin ang mga kapangyarihang mula sa diyos ng mga Paraon. Ito ay tradisyonal na idinadaos sa ikalabingtatlong taon ng paghahari ng Paraon at posibleng isang pista bilang parangal kay Amenhotep III na pinaniniwalaan ng ilang mga Ehipsiyon na may kapwa paghahari sa kanyang anak na si Amenhotep IV ng dalawa hanggang labindalawang taon. Ang Ikalimang taon ang pinaniniwalaang nagmamarka ng pagsisimula ng pagtatayo ni Amenhotep IV ng isang bagong kabisera na Akhetaten(Horison ng Aten) sa lugar na kilala ngayon bilang Amarna. Ang ebidensiya nito ay lumilitaw sa tatlong mga hangganang stelae na ginagamit ang mga hangganan ng bagong kabiserang ito. Sa panahong ito, opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhentaen(Umaayon kay Aten) bilang ebidensiya ng kanyang bagong pagsamba. Ang petsang ng pangyayaring ito ay tinatayang Enero 2 nang taong ito. Sa ikapitong taon ng kanyang paghahari (1346/1344 BCE ), ang kabisera ay inilipat mula sa Thebes tungo sa Akhetaten(malapit sa modernong Amarna) bagaman ang pagtatayo ng siyudad ay tila nagpatuloy ng dalawa pang mga taon. Sa paglilipat ng kanyang korte mula sa mga tradisyonal na sentrong seremonyal, si Akhenaten ay naghuhudyat ng isang dramatikong pagbabago sa pokus kapangyarihang relihiyoso at pampolitika. Ang pagkilos na ito ay naghiwalay sa Paraon at korte nito mula sa impluwensiya ng mga saserdote(pari) at mula sa mga tradisyonal na sentro ng pagsamba. Gayunpaman, ang kanyang pag-aatas ay may malalim na kahalagahang relihiyoso na kinuha kasabay ng kanyang pagbabago ng pangalan at posibleng ang paglipat sa Amarna ay nangangahulugan ring bilang isang hudyat ng simbolikong kamatayan at muling kapanganakan ni Akhenaten. Pinangasiwaan rin Akhenaten ang pagtatayo ng ilan sa mga pinakamalalaking templong kompleks sa Sinaunang Ehipto kabilang ang isa sa Karnak, at isa sa Thebes malapit sa lumang templo ni Amun. Sa ikasiyam na taon ng kanyang paghahari ( 1344/1342 BCE ), pinalakas ni Akhenaten ang rehimeng Atenista na nagsasaad na si Aten ay hindi lamang supremang diyos kundi ang tanging diyos at isang pangkalahatang diyos. Kanyang pinagbawal ang pagsamba ng ibang lahat na mga diyos kabilang ang pagsamba sa mga idolo kahit sa pribado sa mga tahanan ng tao na isang arena na hindi nakaraang pinakiesa mga terminong relihiyoso. Si Aten ay binanggit ni Akhenate sa mga panalangin gaya ng Dakilang Himno kay Aten: "O Tanging Diyos na walang ng iba maliban sa kanya". Ang mga Ehipsiyo ay dapat sumamba kay Akhenaten at tanging sina Akhenaten at Nefertiti lamang ang maaaring sumamba kay Aten.[2] Isinagawa ni Akhenaten ang ritwal na pagpatay ng hari ng lumang supremang diyos na si Amun at nag-atas ng pagsira sa mga templo ni Amun sa buong Ehipto at ang lahat ng mga lumang diyos. Ang salita para sa "mga diyos"(plural) ay ipinagbawal at ang mga inkripsiyon ay natagpuan kung saan kahit ang hieroglyph ng salita para sa "ina" ay inalis at muling isinulat sa mga senyas na alpabetiko dahil ito ay may parehong tunod sa Sinaunang Ehipto gay ang tunog ng pangalan ng diyosang Theban na si Mut. Ang pangalan ni Aten ay isinulat rin ng iba pagkatapos ng kanyang ikasiyam na taon upang bigyang diin ang radikalismo ng bagong rehimeng ito. Ang pangalan ni Aten ay hindi na isinulat gamit ang simbolo ng may sikat na diskong pang-araw kundi ay binabaybay ng ponetiko.
Hudaismo
baguhinAng ideya na si Akhenaten ang nagpasimula ng relihiyong monoteistiko na kalaunang naging Hudaismo ay isinaalang alang ng iba't ibang mga skolar.[3][4][5][6][7][8] Ang isa sa unang nagbanggit nito si Sigmund Freud na tagapagtatag ng psychoanalysis sa kanyang aklat na Moses and Monotheism.[9] Ikinatwiran ni Freud na si Moises ay isang saserdoteng(pari) Atenista na napilitang lumisan sa Ehipto kasama ng kanyang mga tagasunod pagkatapos ng kamatayan ni Paraon Akhenaten. Ikinatwiran ni Freud na si Akhenaten ay nagsikap na itaguyod ang monoteismo na isang bagay na nagawa ni Moises.[3] Ang ibang mga skolar at mga nananaig na Ehiptologo ay nagturo na may mga direktang koneksiyon sa pagitan ng simulang Hudaismo at ibang mga tradisyong relihiyong Semitiko.[10] Isinaad na ang dalawa sa tatlong pangunahing mga termino para sa diyos sa Hudaismo na Yahweh, Elohim(morpolohikal na plural na literal na "mga diyos") at Adonai ay may koneksiyon kay Aten. Si Freud ay nagkomento sa koneksiyon sa pagitan ng Adonai, ang Ehipisyong Aten at ang pangalang Syrian ng diyos na Adonis bilang primebal na pagkakaisa ng wika sa pagitan ng mga paksiyon.[3] Dito, kanyang sinusundan ang argumento ng Ehiptologong si Arthur Weigall. Ayon sa manunulat na Ehipsiyong si Ahmed Osman, ang Atenismo at Hudaismo ay may mga pagkakatulad gaya ng pagbabawal sa pagsamba ng idolo gayundin ang pagkakatulad ng pangalang Aten sa Hebreong Adon o Panginoon. Inangkin ni Ahmed Osman na si Paraon Akhenaten at Moises ay iisang tao at ang pang-inang lolo ni Akhenaten na opisyal na Ehipsiyong si Yuya ay parehong si Jose ng Aklat ng Genesis. Ito ay batay sa mga katangian ng mummy ni Yuya na inaangking may mga katangiang Semitiko at balbas na tulad ng sa Hebreo. Sa karagdagan, si Jose ayon sa Aklat ng Genesis 45:8 ay tinawag na "ama ng paraon" at inaangkin na si Yuya ang tanging opisyal na Ehipsiyo na nagkaroon ng titulong ito(maliban sa kanyang pinaniniwalaang anak na si Ay na may katulad na titulo na Itnetjer, o "ama ng diyos"). Gayunpaman, ang teoriyang ito ay hindi tinatanggap ng nananaig na Ehiptolohiya. Ang pananaw ng mga Ehiptologo ay si Yuya ay malamang kabilang sa lokal na nobilidad ng Akhmim dahil si Yuya ay may malaking mga koneksiyon sa siyudad ng Akhmim sa Itaas na Ehipto. Ito ay gumagawang hindi malamang na siya ay isang dayuhan(gaya ni Jose na Hebreo) dahil ang karamihan ng mga nanirahang Asyatiko ay nakahiwalay sa palibot ng rehiyong Nilong Delta ng Ibabang Ehipto.[11][12][13] Ang paniniwalang si Jose ay si Yuya ay sinasalungat rin sa bibliya sa lokasyon ng pinaglibingan kay Jose(Aklat ni Josue 24:32) samantalang si Yuya ay inilibang sa Lambak ng mga Hari sa Ehipto at natuklasan noong 1905. Malawak na tinatanggap na ang Dakilang Himno kay Aten na isinulat ni Akhenaten ay malakas na katulad ng Aklat ng mga Awit 104 ng bibliya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rosalie David, op. cit., p.125
- ↑ Hart, George (2nd ed. 2005). The Routledge dictionary of Egyptian gods and goddesses. Routledge. p. 39. ISBN 978-0-415-34495-1.
{{cite book}}
: Check date values in:|year=
(tulong) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Freud, S. (1939). Moses and Monotheism: Three Essays.
- ↑ Gunther Siegmund Stent, Paradoxes of Free Will. American Philosophical Society, DIANE, 2002. 284 pages. Pages 34 - 38. ISBN 0-87169-926-5
- ↑ Jan Assmann, Moses the Egyptian: The Memory of Egypt in Western Monotheism. Harvard University Press, 1997. 288 pages. ISBN 0-674-58739-1
- ↑ N. Shupak, The Monotheism of Moses and the Monotheism of Akhenaten. Sevivot, 1995.
- ↑ Montserrat, (2000)
- ↑ William F. Albright, From the Patriarchs to Moses II. Moses out of Egypt. The Biblical Archaeologist, Vol. 36, No. 2 (May, 1973), pp. 48-76. doi 10.2307/3211050
- ↑ S. Freud, The Standard Edition of the Complete Psychological Works of Sigmund Freud, Volume XXIII (1937–1939), "Moses and monotheism". London: Hogarth Press, 1964.
- ↑ Curtis, Samuel (2005), "Primitive Semitic Religion Today" (Kessinger Publications)
- ↑ Montet, Pierre (1964), Eternal Egypt (New American Press)
- ↑ Redford, Donald B. (1993), Egypt, Canaan, and Israel in Ancient Times, Princeton University Press
- ↑ Petri (19th century Egyptologist) Petri Museum in London, England named after him