Atila ang Hun

(Idinirekta mula sa Attila ang Hun)

Si Atila (406–453 A.D.), kilala rin bilang Atila ang Hun, ay ang pinuno at emperador ng mga Hun mula 434 hanggang sa kanyang kamatayan noong 453. Bilang pangkat ng mga tribong parang mga mandirigma na nagmula sa Gitnang Asya, nanligalig sila sa Europa noong panahon ng mga 400 A.D.[1]

Wangis ni Atila ang Hun.

Noong 434 A.D., magkatulong na mga pinuno ng mga Hun, na may base sa Unggarya, sina Atila at ang kanyang kapatid na lalaking si Bleda. Pagkalipas ng labing-isang mga taon, pinatay ni Atila si Bleda, kaya naging nag-iisang pinuno siya ng mga Hun. Nagsimula ang kanyang pananakop noong 447 A.D. Pinilit niyang magbayad ng malaking halaga ang Silanganing Imperyong Romano upang huwag niyang galawin ang mga ito. Pagkaraan, pinamunuan niya ang isang hukbong katihan patungo sa Gaul (o Pransiya). Sa pagpunta niyang ito sa Gaul, inibig niyang mapasakamay at mapakasalan si Honoria, ang kapatid na babae ng Kanluraning Emperador ng Romang si Valentiniano III.[1]

Noong 451 A.D., nagapi si Atila ng mga Romano habang nasa Châlons-sur-Marne (kasalukuyang kilala bilang Châlons-en-Champagne). Namatay si Atila pagkalipas ng dalawang mga taon.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Attila?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.