Augusta, Italya
Ang Augusta (Italiano: [auˈɡusta],[4] makaluma na Agosta; Sicilian: Austa [aˈusta]; Griyego at Latin: Megara Hyblaea, Medyebal: Augusta) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Siracusa, na matatagpuan sa silangang baybayin ng rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya). Ang lungsod ay isa sa mga pangunahing daungan sa Italya, lalo na para sa mga refinery ng langis (Sonatrach at iba pa bilang bahagi ng complex Augusta-Priolo) na nasa paligid nito.
Augusta Austa (Sicilian) | |
---|---|
Comune di Augusta | |
Mga koordinado: 37°15′N 15°13′E / 37.250°N 15.217°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Siracusa (SR) |
Mga frazione | Agnone Bagni, Brucoli |
Pamahalaan | |
• Mayor | Maria Concetta Di Pietro (Five Star Movement) |
Lawak | |
• Kabuuan | 111.16 km2 (42.92 milya kuwadrado) |
Taas | 15 m (49 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 35,854 |
• Kapal | 320/km2 (840/milya kuwadrado) |
Demonym | Augustani |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 96011 |
Kodigo sa pagpihit | 0931 |
Santong Patron | Santo Domingo |
Saint day | Mayo 24 |
Websayt | Opisyal na website |
Heograpiya
baguhinAng lungsod ay matatagpuan sa lalawigan ng Siracusa at nakaharap sa Dagat Honiko. Ang lumang bayan ay isang isla, na ginawa noong ika-16 na siglo sa pamamagitan ng pagputol ng istmo na konektado ngayon sa Sicilianong kalupaan sa pamamagitan ng dalawang tulay. Isang tulay ang itinayo noong ika-12 o ika-13 siglo bilang bahagi ng Biaduktong Federico II ng Suabia. At ang isa pa, ang mas lumang tulay ay itinayo noong itinatag ang lungsod at tinawag na Porta Spagnola. Ang Augusta ay kasalukuyang tahanan ng dalawang daungan.
Kasaysayan
baguhinItinatag 27 siglo na ang nakalilipas, ang Megara Hyblaea ay isa sa mga pinakalumang kolonya ng Gresya sa Sicilia. Nawasak ito ng karibal nitong Siracusa, itinaas mula sa mga guho nito, pagkatapos ay kinuha ng mga Romano kasama ng Siracusa noong Ikalawang Digmaang Puniko. Ito ay nananatiling isang arkeolohikong pook, isang testimonya ng organisasyon ng isang Griyegong kolonya ng panahong panahong Arkaika.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Data from Istat
- ↑ Luciano Canepari. "Augusta". DiPI Online (sa wikang Italyano). Nakuha noong 27 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Augusta port facility Naka-arkibo 2018-01-30 sa Wayback Machine. Archived </link>
- Augusta Boston Club Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.