Ang avant-garde (bigkas: /ˌævɒ̃ˈɡɑːrd/;[1] Pranses: [avɑ̃ɡaʁd];[2] mula sa Pranses, "nangungunang bantay" na sa literal ay "pangunang hanay ng hukbo")[3] ay mga tao o likha na eksperimental, radikal o hindi pangkaraniwan na may kinalaman sa sining, kultura, o lipunan.[4][5] . Maari itong kilalanin bilang hindi tradisyunal, estetikong makabagong ideya at pangunahing hindi katanggap-tanggap,[6] at maaring may kritiko sa pagitan ng relasyon ng tagagawa at tagatangkilik.

The Love of Zero, maikling pelikulang avant-garde noong 1927 ni Robert Florey

Ang avant-garde ay nagpapalawak ng hangganan ng kung ano ang katanggap-tanggap na pamantayan at kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay, lalo na may kinalaman sa pangkalinangan na saklaw. Ang avant-garde ay itinuturing ng iba bilang sagisag ng modernismo, na naiiba sa postmodernismo. Maraming mga alagad ng sining ang iniuugnay ang kanilang sarili sa larangan ng avant-garde at patuloy nananatili sa paggawa nito, mula pa sa kasaysayan ng Dada, patungo sa mga Situwasyonista hanggang sa postmodernismong mga manlilikha katulad ng mga makatang manunulat noong mga 1981.[7]

Isinusulong din ng avant-garde ang radikal na pagbabago sa lipunan. Itong kahulugan din ang pinukaw ng Santo Simonian Olinde Rodrigues sa kaniyang sanaysay na L'artiste, le savant et l'industriel ("Ang artista, ang siyentipiko at ang industriyalista", 1825), na naglalaman ng unang paggamit ng salitang avant-garde sa pangkaraniwan nitong kahulugan: doon, hinihimok ni Rodrigues ang mga alagad ng sining na “maglingkod bilang avant-garde [ng mga tao]”, sinasabi na, “ang kapangyarihan ng sining ang pinakamadali at mabilis na paraan” sa sosyal, politikal at ekonimikal na pagbabago.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "avant-garde adjective - Definition, pictures, pronunciation and usage notes - Oxford Advanced Learner's Dictionary at OxfordLearnersDictionaries.com" (sa wikang Ingles).
  2. John C. Wells, Longman Pronunciation Dictionary, third edition (Harlow: Longman, 2008) ISBN 9781405881180 (sa Ingles).
  3. "Avant-garde". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Lexico Publishing Group, LLC. Nakuha noong 2007-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. John Picchione, The New Avant-garde in Italy: Theoretical Debate and Poetic Practices (Toronto: University of Toronto Press, 2004), p. 64 ISBN 978-0-8020-8994-6 (sa Ingles).
  5. Peter Bürger, Theory of the Avant-Garde, English translation by Michael Shaw, Forward by Jochen Schulte-Sasse, Theory and History of Literature, Volume 4 (Manchester University Press, University of Minnesota Press, 1984), [Pahina'y kailangan] (sa Ingles)
  6. Kostelanetz, Richard, A Dictionary of the Avant-Gardes, Routledge, May 13, 2013, ISBN 1136806202 (sa Ingles)
  7. UBU Web List of artists from Dada to the present day aligning themselves with the avant-garde (sa Ingles)
  8. Matei Calinescu, The Five Faces of Modernity: Modernism, Avant-Garde, Decadence, Kitsch, Postmodernism (Durham: Duke University Press, 1987), [Pahina'y kailangan]. (sa Inlges)