Avatar: The Last Airbender

Ang Avatar: The Last Airbender (na kilala sa Pilipinas bilang Avatar: The Legend of Aang) ay isang palabas na bilang serye na kartun sa Nickelodeon. Ito ay ginawa nang magkakasamang sila Michael Dante DiMartino at ang kasama sa paggawa na si Bryan Konietzko. Samantala ang palabas na ito ay nagtapos sa isang pelikula (Sozin's Comet: The Final Battle) noong 19 Hulyo 2008 sa Nickelodeon sa Estados Unidos.[1] Ang serye na ito ay ang naging basihan ng pelikulang The Last Airbender.

Avatar: The Last Airbender
Avatar: The Last Airbender logo. The Chinese characters 降卋 (世)神通 (pinyin:Jiàngshì Shéntōng) that appear with the English logo translate to "The divine medium who has descended upon the mortal world."
UriAdventure, Pantasya
GumawaMichael Dante DiMartino, Bryan Konietzko
Isinulat ni/ninaMichael Dante DiMartino
Bryan Konietzko
John O'Bryan
Nick Malis
Matthew Hubbard
Aaron Ehasz
Elizabeth Welch Ehasz
Josh Hamilton
Ian Wilcox
Tim Hedrick
DirektorLauren MacMullan
Anthony Lioi
Dave Filoni
Giancarlo Volpe
Ethan Spaulding
Joaquim Dos Santos
Boses ni/ninaZach Tyler Eisen
Mae Whitman
Jack DeSena
Jessie Flower
Dante Basco
Mako (Season 1–2)
Greg Baldwin (Season 3)
Dee Bradley Baker
Grey DeLisle
Olivia Hack
Cricket Leigh
Clancy Brown
Mark Hamill
Jennie Kwan
Jason Isaacs
Kompositor ng temaThe Track Team
KompositorJeremy Zuckerman
Bansang pinagmulanEstados Unidos, Timog Korea
WikaIngles
Bilang ng season3
Bilang ng kabanata61 (Talaan ng kabanata ng Avatar: The Last Airbender)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapMichael Dante DiMartino, Bryan Konietzko, Aaron Ehasz
Oras ng pagpapalabas24 minuto
Pagsasahimpapawid
Picture formatNTSC (480i)
Orihinal na pagsasapahimpapawid21 Pebrero 2005 (2005-02-21) –
19 Hulyo 2008 (2008-07-19)
Website
Opisyal

Kuwento

baguhin

Bago ang pasimula ng Serye

baguhin

112 na taon noon bago ang simula ang seryeng ito, si Aang ay nakatira sa isang templo (mga Airbender lang ang nakatira dito). Isang araw, nalaman ni Aang na siya pala ang bagong Avatar (dapat ay sasabihin ng mga monk kay Aang pagdating niya ng 16 taong gulang pero ito napadali dahil nalaman nila ang balak na sa pagsakop ng Fire Nation). Dahil dito ay nagulo ang isipan ni Aang kaya siya'y umalis sa templo. Iniwan niya ang Timog-Templo ng Hangin. Si Aang ay naglakbay sa malayong lugar at inabutan siya ng bagyo at ginamit ni Aang ang Avatar State upang kumuha ng kapangyarihan kaya bumuo sya ng isang malaking "air bubble" sa tagal nagyelo ito at naiwan sila sa loob ni Appa, nabuhay sila dahil sa Air Buble pero nawalan ng malay si Aang at hindi na sila nakita sa loob ng 100 taon.

Pagbalik ni Aang

baguhin

Sa pagising niya nalaman niyang kasama na niya sila Katara at Sokka na taga Tribong-Tubig (Water-Tribe) at natuklasan ni Aang na 100 years siyang nawala at kailangan na niyang iligtas ang mundo sa kamay ng mga Fire Nation. Naglakbay sila patungo sa Hilagang Tribong Tubig para matuto mag waterbend. Sa ikalawang season ay nakilala nila si Toph, isang bulag na earthbender at siya rin ay ang nagturo kay Aang mag earthbend. Si Zuko, ang dating humuhuli kina Aang ay tumigil na dahil sa kapatid niya na si Azula, na hinanap si Aang sa Kaharian ng Bato. Si Zuko ay kumampi kina Aang at natuto rin mag firebend si Aang. Sa pagtapos ng serye, natapos ang giyera na pinasimulan ng Fire Nation at bumalik na ang kapayapaan sa mundo nila Aang.

 
Si Aang na kagigising lang sa kabanatang Ang Bata sa Tipak ng Yelo.

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin
 
Si Aang (kanan) at si Momo.
 
Si Sokka at si Hawky.

Aang (Zach Tyler Eisen (English)/Jenny Bituin (Tagalog)) isang masiyahin bata at naghahanap ng adventure ,12 taong gulang na protagonist (sa totoo 112 na ang idad niya dahil narin sa pagka frozen ng mahabang taon). Sa kasalukuyan, kailangan parin ni Aang na imaster ang lahat na elemento para iligtas ang mundo sa Nation ng Apoy.

Katara (Mae Whitman (English)/Jenny Bituin (Tagalog)) 14 taong gulang na kapatid ni Sokka. Kasama ang kanyang kapatid na si Sokka ay nahanap nila si Aang (ang avatar)at para matalo ang Fire Lord. Si Katara ay isang mabait na bata at mabagbigay.

Sokka (Jack DeSena (English)/Christian Velarde (Tagalog)) 15 taong gulang na kapatid ni katara, magkasama nilang nahanap ang avatar. Si Sokka ay hindi marunong mag bend ginagamit niya ang kanyang pisikal na lakas sa pagkikipaglaban. Dahil sa kaniang katalinohan, siya ang nag-iisip ng mga idyea para matalo ang mga kaaway. May minamahal na rin si sokka na si Suki at Princess Yue. Siya rin ang naging lider ng invasion ng Fire Nation nang may solar eclipse.

Toph Bei Fong (Jessie Flower (English)/Rona Aguilar (Tagalog)) 12 na taong gulang. Siya ay isang bulag na earth bender. Isang mayaman ang pamilya ni Toph pero iniwan niya ito para suma kay Aang. Nakakapag-earthbend siya gamit ang senses niya sa paa, isang sikreto na hindi mapaniwalaan ng tatay niya.

Zuko (Dante Basco (English)/Jose Amado Santiago (Tagalog)) 16 taong gulang na dating prinsipe ng Fire Nation, Gustong ibalik ni Zuko ang respeto ng kanyang ama para ibalik ito kailangang makuha niya ang Avatar. Pagkatapos ng eclipse, nagustuhan nalang ni Zuko na sumama kay Aang at tulungan siya (Aang) na matalo si Ozai. Kaya rin niya mag redirect ng kidlat.

Azula (Grey DeLisle) 14 taong gulang na prinsesa ng Fire Nation. Kapatid niya si Zuko, ang unang anak ni Fire Lord Ozai. Magaling rin siya magsinungaling. Marunong siya mag-bend ng kidlat.

Iroh (Mako sa kapanahunan 1 and 2 Grey Baldins onwards) isang retire na heneral, tito ni Zuko. Kaptid ni Iroh si Fire Lord Ozai. Isang malakas na Fire Bender kaya niyang ibend ang kidlat kahit matanda na.

Mga Hayop

baguhin

Appa (Dee Bradley Baker) ang sky bison ni Aang. Si Appa ay isang lumilipad na hayop. Madalas niya tinutulungan si Aang pag-lalaban sa mga Fire benders at pag-pagbiyahe sa Earth Kingdom, Water Tribe at sa Fire Nation. Wala siyang kakayahang makaintindi ng salita ng tao.

Momo (Dee Bradley Baker) ang lemur na kaibigan ni Aang. Natagpuan niya ito sa Southern Air Temple.

Hawky ang naging alagang lawin ni Sokka habang nasa Fire Nation.

Ibang Reuccuring Characters

baguhin

Long Feng(tagalog ay "mahabang sinungaling") Ang naging butas ng Earth Kindom kapital at lungsod na Ba Sing Se para masugod ito at mapabagsak ng Fire Nation. Siya rin ang nagpasimulang gawing sikreto sa Earth King yung giyera kaya mahina ang defensa ng lungsod.

Ozai(Mark Hamill) Ang kasalukuyang hari ng Fire Nation at taga-tuloy ng giyera. Naipakita na rin ang mukha niya sa sa ikatlong-season ng Avatar: The Last Airbender.

Combustion Man ang pinakabagong kalaban nila Aang sa Fire Nation. Siya ay unang nagpakita sa ikatlong-sesyon episode na "The Beach".

Hakoda ang tatay nila Sokka at Katara.

Paglathala

baguhin

Telebisyon

baguhin

Mapapanood ang Avatar: The Last Airbender sa Nickelodeon (Southeast Asia) sa cable channel na Nickelodeon Southeast Asia sa Channel 45 kapag Sky Cable at Channel 16 kapag Destiny Cable. . Ang unang kapanahunan nito ay ipinalabas sa TV5 sa umaga at hapon noong ABC pa ang pangalan ng kompanyang pangtelebisyong ito. Ngayon ay ipinapalabas ang una at pangalawang kapanahunan nito sa wikang Tagalog sa hapon ng 5:30. Sa Estados Unidos, tapos na ang pagpapalabas sa seryeng ito.

Mga Kabanata

baguhin

Tignan ang:

Katanyagan

baguhin

Nang unang ipinalabas sa telebisyon ang Avatar: The Last Airbender, nakakuha ito nang mataas na rating na kung saan 1,100,000 na ang mga nanood nito sa Estados Unidos. Ipinapalabas rin ito sa halos 105 na bansa sa buong mundo. May rating rin ito na 9.2 on TV.com. Ang pelikula na Sozin's Comet kung saan natapos ang serye, ay nagkaroon ng mataas na ratings rin. Ito ang unang tatlong tanyag na palabas sa Nickelodeon:

Mga Gantimpala

baguhin
Gantimpala Hinatnan
2005 Pulcinella Awards:[2]
Pinakamagaling na Palabas na Action/Adventure TV Serye Panalo
Pinakamagaling na TV Serye Panalo
33rd Annual Annie Awards:[3]
Pinakamagaling ng TV Anime Produksiyon Nominado
Pinakamagaling na Kuwentong Anime sa TV (Kabanata: The Deserter) Panalo
Pagsulat ng isang TV Anime Produksiyon (Kabanata: The Fortuneteller) Nominado
34th Annual Annie Awards:[4]
Animasyon ng Tauhan sa TV Produksiyon (Kabanata: The Blind Bandit) Panalo
Pag-direkta sa isang Animated TV Produksiyon (Kabanata: The Drill) Panalo
2007 Genesis Awards:
Tanyag na Pambatang Serye (Kabanata: Appa's Lost Days) Panalo
Primetime Emmy Awards:
Tanyag ng Anime Programa (Kabanata: City of Walls and Secrets) Nominado
Gantimpalang Individual Achievement (Sang-Jin Kim for Lake Laogai) Panalo
Kid's Choice Awards 2008:
Paboritong Kartun Serye[5] Panalo
Annecy 2008:
TV Serye[6] Nomindao

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sozin's Comet
  2. Ryan Ball (2005-05-03). "Cartoons on the Bay Picks Winners". Animation Insider. Nakuha noong 2007-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Annie Awards: Legacy - 33rd Annual Annie Awards". International Animated Film Society. 2005-02-09. Nakuha noong 2008-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Annie Awards: Legacy - 34th Annual Annie Awards". International Animated Film Society. 2006-02-09. Nakuha noong 2008-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "2008 Nickelodeon 'Kids Choice Awards' Winners". BumpShack. 2008-03-29. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-14. Nakuha noong 2008-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Annecy 2008 - Official Selection". Annecy 2008. 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-13. Nakuha noong 2008-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin