Mga tagpuan ng Avatar: The Last Airbender

(Idinirekta mula sa Earth Kingdom)

Ang Mundo ng Avatar: The Last Airbender ay ang mundong-piksiyonal na mapapanood sa pantelebisyon na palabas na Avatar: The Last Airbender ay nahahati sa kanya-kanyang elemento o sa Ingles Four Nations . Ilang mga lugar ang sumusunod:

Tribong Tubig (Water Tribe)

baguhin

Ang Tribong Tubig ay isang tribo ng mga taong marunong mag-waterbend (kaya ikontrol ang tubig). Ang kanilang pangunahing kulay ay asul. Ang mga taga tribong-tubig ay nahati 1000 taon na ang nakalipas dahil sa giyerang sibil. Ito ay nahahati pa sa tatlong mga tribo at may sariling kultura:

Foggy Swamp Tribe

baguhin

Isang tribo na nakatira sa isang swamp at nasanay sila na mag Waterbending doon ang nagpasya na tumira doon kahit sa Kaharian ng Bato nakalocate ang kanilang swamp. Napapagalaw din nila ang mga baging o mga halaman sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagkontrol ng tubig sa loob ng mga halaman.

Tribong-Tubig sa Hilaga

baguhin

Isang tribo sa hilaga na talagang isang malaking lungsod at ito ay ang sinasabi na kapital ng tribung-tubig.

Tribong-Tubig sa Timog

baguhin

Isang tribu rin sa Timog na dati isang lungsod din pero sinira ng mga taga-Fire nation nung 60 na taon pa nakakalipas.

Waterbending

baguhin

Natutunan ng mga waterbenders ang pagpapagalaw ng tubig(Waterbending) sa buwan. Ang mga ninuno ng Tribong-Tubig ay agad na napansin ang pag-hila at pag-tulak ng buwan sa tubig ng anyong-tubig. Kaya agad na natutunan ng mga ito ang pagpapa-galaw ng tubig.

Kaharian ng Lupa (Earth Kingdom)

baguhin

Ang mga tao sa Kaharian ng Lupa ay marunong mag-earthbend (pagkontrol ng lupa). Ito ang pinakamalaking kontinente at may pinakamalakas na sandatahang lakas pero napabagsak ito mula sa loob ng prinsesa ng nasyon ng apoy na si Azula. At sa ikatlong libro ng serye, nabawi din ito mula sa nasyon ng apoy.

Ba Sing Se

baguhin

Ito ang kapital ng Kahariang ng Lupa. Ang hari dito ay ang Hari din ng Kaharian ng Lupa.

Omashu

baguhin

Ang kauna-unahang lungsod na itinatag sa kaharian ng lupa. Naitatag ito dahil sa dalawang nag-iibigan na sina Oma at Shu. Sila ay mula sa dalawang magka-away na lugar. Si Oma at Shu din ang mga kauna-kaunahang earthbender sa mundo nila. Ang Omashu ay pinamamahalaan ng isang hari na si Bumi, ang kababata ni Aang.

Air Nomads (Templo ng Hangin)

baguhin

Ito ang lugar ng mga airbender o mga taong kayang kontrolin ang hangin. Ang sibilisasyon nito ay tuluyan nang nawala dahil sa pagsakop ng nasyon ng apoy upang masira pag-ikot ng buhay ng avatar sa pamumuno ni Firelord Sozin. Sa kabutihang palad, bago mag-simula ang pananakop, si Aang at ang kanyang alaga na si Appa na isang Sky Bison ay naka-alis na.

Hilagang Templo ng Hangin

baguhin

Sinasabi na ito ay ang unang templo ng mga Air Nomads dahil ito ay 1000 nataon gulang na ito.

Timog Templo ng Hangin

baguhin

Dito nakatira si Aang ang huling airbender sa mundo nila, dito rin makikita ang Sangtuwaryo ng Templo ng Hangin, ang makikita doon ay ang mga statwa ng lahat ng Avatar sa mundo pero wala pa rin ang statwa ni Aang.

Silangang Templo ng Hangin

baguhin

Dito nakatira ang mga sanggol na Sky Bison at ang Ina nito at ito sa dalawa na templo na nakatira dito ay Babae lamang at mga bata na lalaki at babae lang din.

Kanlurang Templo ng Hangin

baguhin

Sa lugar din ito nakatira lamang ang mga babae at malapit din ito sa nasyon ng apoy. Ito lang ang templo na baliktad ang mga estruktura.

Bansa ng Apoy (Fire Nation)

baguhin

Ang pinaka-industrialized pero polluted na lugar sa mundo. Ang mga tao sa nasyon ng apoy ay nag-aaral ng firebending o pag-gawa at pag-kontrol ng apoy. Si Firelord Sozin, ang pinakadakilang pinuno sa kasaysayan ng nasyon ng apoy at ang lolo sa tuhod ni Zuko, ang nagsimula ng giyera 100 taon nang nakararaan.

Kabisera

baguhin

Makikita dito ang palasyo ng royal family kabilang dito si Zuko, Azula at ang Fire Lord Ozai. Nasa crater ng isang dormant bulkan makikitya ang kapitolyo ng Fire Nation.

Royal Plaza

baguhin

Matatagpuan sa ilalim ng kapitolyo, ito ay sinasabi na isang magaling na estruktura na ang royal family mag bibigay ng mga inspiration na rally para sa mga tao na nakatira sa bansa. Itong plaza na ito ay nabibilang sa mga pangunahing dedepensahan kung may paglusob ng ibang mga kaharian at bansa.

Sun Warriors (Ninuno ng Fire Nation)

baguhin

Ang mysteryosong tribo na unang fire benders, di tulad ng ibang mga lahi ng fire benders di sila nakisama sa Fire Nation sa giyera at payag silang tulungan ang Avatar na si Aang.

Sila ang lahi na tinaguriang unang natuto ng Fire Bending dahil sa mga dragon. Sila din ang nagtatago ng sekreto ng mga huling Dragon na nabubuhay sa kanilang mundo. Ngayon ay nagtatago sa isang isla sa Fire Nation at pinaniniwalaang nangaubos na, ngunit si Zuko, Aang at Tiyo Iroh ang nakakaalam ng katotohanan tungkol sa kanilang Lahi at sa mga Dragon.