Emperador Ninkō
Si Ayahito ang ika-120 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo (o Mansanilya). Nabuhay siya ng ika-16 ng Marso ng taong 1800 at namatay siya noong ika-21 ng Pebrero ng taong 1846. Labimpitong taong gulang lang siya ng siya’y umupo sa trono noong taong 1817 at noong pumanaw siya ay kinalala bilang Emperador Ninkou (Ninkō) .
Si Ayahito ang ikaapat na anak ni Emperador Koukako (Kōkaku). Nagkaroon siya ng pitong anak na lalake at walong anak na babae sa iba’t ibang mga opisyal na kalaguyo (kabit na babae), subalit tatlo lamang ang nabuhay dito at ito ay sina Osahito na naging si Emperador Komei , Prinsesa Sumiko at si Prinesa Chikako.
Ang kanyang mga naging asawa ay sina Emperatris Tsunako Takatsukasa, Nabalong Emperatris Yasuko Takatsukasa, Naoko Ōgimachi, Kiyiko Kanroji, Tsuneko Hashimoto, Isako Nakayama at Tatsuko Imaki.
Ang ina ni Ayahito ay si Tadako Kanshuuji, pero gaya ng nakaugalian siya ay inampon ng asawa ng kanyang amang emperador na si Prinsesa ng Imperyo na si Yoshiko, mas kilala din bilang Shin-seiwa-in.
Itinakda siyang bilang Prinsipeng Tagapagmana noong taong 1809, at walong taon pagkatapos nito siya ang humalili sa kanyang ama noong magretiro ito noong taong 1817.
Ayon sa kahilingan ng kanyang retiradong amang emperador, sinunod ni Ayahito ang pagbuhay na muli ng mga ilang ritwal at mga nakaugalian na sa korte ng imperyo. Isang halimbawa nito ang pagdudugtong sa pangalan ng mga umupo sa Trono ng Krisantemo ng titulong tenno o ang ibig sabihin ay emperador.
Sa pamumuno ni Ayahito nagsimula na ang pagkalagas ng mga kapangyarihan ng bakufu o yung korteng pinamumunuan ng mga sugun (shogun). Lumala pa ang problemang itong ng namuno ang kanyang anak na si Osahito o mas kilala bilang Emperador Koumei (Komei-tennō). At tuluyang nabura o nagtapos ang kapangyarihan ng mga sugun ng umupo ang kanyang apong si Mutsuhito, mas kilala Emperador Meiji (Meiji-tennō).
Isa sa mga pagbabagong isinagawa ni Ayahito ay pagtatayo ng Gakushuusho (Gakushūsho) ang pinagsimulan ng Gakushuin, isang paaralan para sa mga maharlika sa labas lamang ng Imperyong Palasyo.
Ang Misasagi o Imperyong Libingan ni Ayahito ay nasa Nochi no Tsukinowa no Misasagi sa bahaging Higashiyama sa Kyoto.
Hindi lamang isang nengo o pangalan ng panahon ng panunungkulan ang ginamit ni Ayahito. Noong nabubuhay pa siya apat ang ginamit niyang pangalan ng panunungkulan. Ito ay ang
Nung namatay lamang si Ayahito tinawag ang buong panahon niya sa Trono bilang Ninkou