Shogun
Sa kapanahunan ng piyudalismo sa Hapon, ang sugun[1] o shogun ang namumuno sa bansa, ngunit walang kapangyarihan sa ibabaw ng emperador. Ang emperador ang pumipili ng sugun. Isa itong ranggo na hindi katumbas ng hari o ng emperador. Ibinibigay ang ranggong ito ng Tennō, ang emperador ng Hapon. Nangangahulugang heneral ang salitang sugun sa wikang Hapones, na may opisyal o buong kapangalanang Seii Taishōgun o "dakilang heneral na lumalaban sa silanganing mga barbaro at magwawagi".
Kasaysayan
baguhinNoong sinaunang panahon sa Hapon, nagsilbing mga heneral ng mga emperador ang mga shogun. Hindi sila naghahari. Subalit noong 1192, may isang samurai at pinunong militar na nagngangalang Minamoto no Yoritomo na pinagkalooban ng pamagat na sugun ng dating emperador Go-Shirakawa. Mula noon, ang sugun ang naging pinakapinuno ng lahat ng mga samurai sa buong Hapon. Nang sumapit ang kalagitnaan ng ika-16 dantaon, ang sugun ang namuno sa kabuuan ng bansang Hapon.
Tinatawag na kasugunan o shogunate ang tanggapan ng sugun. Sa Hapon, tinatawag itong bakufu o "tanggapang nasa loob ng kubol" sapagkat dating pinunong panghukbo ang sugun na nasa loob ng isang kubol (tolda o dampa)[2] ang tanggapan habang nasa pook ng labanan o digmaan.
Nagkaroon ng tatlong kasugunan sa Hapon:
- Kasugunang Kamakura, 1192-1333, itinatag ni Minamoto no Yoritomo
- Kasugunang Muromachi, 1338-1573, itinatag ni Ashikaga Takauji
- Kasugunang Edo (Tokugawa), 1602-1868, itinatag ni Tokugawa Ieyasu
Noong 1868, nagbitiw sa tungkulin ang pan-labinlimang sugun ng Kasugunang Tokugawa na si Tokugawa Yoshinobu. Dito nagsimula ang pagtatapos ng pamumuno sa Hapon ng sugun, at ito na rin ang wakas ng panahong piyudal o "pag-aawayan" (labanang pandigmaan) sa bansang Hapon.
Terminolohiya
baguhinBukod sa pagiging ranggong pang-militar ng salitang sugun (Shōgun (将軍 shōgun) pakinggan (tulong·impormasyon)), isa rin itong makasaysayang pamagat o titulong pantao sa Hapon. Bilang salitang Hapon na katumbas ng "heneral", binubuo ito ng dalawang salitang kanji: ang sho na nangangahulugang "komandante", "heneral", o "almirante", at ng gun na "mga mandirigma" o "mga tropa ng sundalo" ang ibig sabihin. Samakatuwid, nangangahulugang "isang heneral ng mga hanay ng mandirigma" ang shogun. Sa makabagong pangangahulugan, katumbas ng hanay na ito ang isang generalissimo. Bilang isang titulo, ito ang pinaikling anyo ng Seii Taishōgun (征夷大将軍), ang namamahalang indibidwal sa iba't ibang panahon sa kasaysayan ng Hapon, na nagtapos nang magbitiw sa luklukan ng tungkulin si Tokugawa Yoshinobu at ibinigay niya ito kay Emperador Meiji noong 1867.[3]
Tanggapan ng sugun
baguhinKilala ang administrasyon o tanggapan ng shogun bilang kasugunan na bakufu (幕府) sa Hapones. Sa literal na pakahulugan ito ang "isang opisina sa loob ng kubol" na "bahay ng isang heneral" sa orihinal nitong kahulugan, pagpapabatid na isa itong "pribadong pamahalaan." Maaaring mangahulugan ang bakufu ng "pamahalaang kubol", isang gobyernong pinatatakbo sa ilalim ng sugun.[4] Ang kubol o tolda ang sumasagisag sa komandanteng nasa pook ng digmaan subalit isang tanggapang panandalian lamang. Sa kabuuan, tumutukoy ang bakufu sa mga opisyal ng shogun; at ipinatutupad ng mga opisyal na ito ang mga katungkulan ng administrayon habang may nabibilang na kapangyarihan lamang ang korteng imperyal.[5] Maaaring ihalintulad ang kahulugang "isang opisina sa loob ng kubol" ng bakufu sa pariralang "tolda ng kampanya" sapagkat kinakampanya nito ang mga hangaring pandigma ng sugun.[2]
Ang pamagat na salitang sugun
baguhinNangangahulugan ang terminong sei-i-tai-shōgun ng "magiting na heneral na gumapi sa mga barbarong mula sa silangan."[3] Isa sa mga sinaunang mga katawagan ang "silanganing barbaro" para sa iba't ibang mga grupo na namuhay sa silanganing lugar sa Hapon at hindi pa naging mga tagasunod ng pamahalaang sentral. Kabilang dito ang mga aborihinal o katutubong mamamayanang Ainu na dating naninirahan sa Honshū at sa Hokkaidō.
Nagkamit ng sapat na kapangyarihan mula sa kamaharlikaan ng Kyoto si Minamoto no Yoritomo, ang unang sugun ng Kasugunang Kamakura. Sa madaling sabi, siya ang naging pinuno at tagapamalakad ng Hapon, at tumanggap ng titulong sei-i taishōgun. Mula noon, tumanggap rin ng ganitong pamagat o titulo ang mga pinuno ng tatlong magkakasunod na kasugunan. Makalipas ang pagbagsak ng Kasugunang Kamakura, mayroon mga kondisyong dapat maabot para magkamit ng titulong sugun ang isang Panginoong-Pandigma o warlord. Isa sa mga ito, at ang pinakamahalaga, dapat na nagmula sa angkang Minamoto ang Panginoong-Pandigma. Pangalawa, nararapat na napailalim at nagkakaisa sa ilalim ng nag-iisang daimyo ang buong Hapon. Kapag nagawang mapag-isa ng isang Panginoong-Pandigma ang Hapon, ngunit hindi wala siyang ninuno mula sa angkang Minamoto, bibigyan lamang siya ng titulong Rehiyente.
Listahan ng mga Sugun
baguhin- Minamoto no Yoritomo (1147-1199) (7 Taong namuno: 1192-1199)
- Minamoto no Yoriie (1182-1204) (1 Taong namuno: 1202-1203)
- Minamoto no Sanetomo (1192-1219) (16 na taong namuno: 1203-1219)
Panahong Shikken
baguhin- Hōjō Tokimasa (1138-1215) (2 taong namuno: 1203-1205)
- Hōjō Yoshitoki (1163-1224) (19 na taong namuno: 1205-1224)
- Hōjō Yasutoki (1183-1242) (18 na taong namuno: 1224-1242)
- Hōjō Tsunetoki (1224-1246) (2 taong namuno: 1242-1246)
- Hōjō Tokiyori (1227-1263) (10 taong namuno: 1246-1256)
- Hōjō Nagatoki (1229-1264) (8 taong namuno: 1256-1264)
- Hōjō Masamura (1205-1273) (4 taong namuno: 1264-1268)
- Hōjō Tokimune (1251-1284) (16 na taong namuno: 1268-1284)
- Hōjō Sadatoki (1271-1311) (17 na taong namuno: 1284-1301)
- Hōjō Morotoki (1275-1311) (10 taong namuno: 1301-1311)
- Hōjō Munenobu (1259-1312) (1 taong namuno: 1311-1312)
- Hōjō Hirotoki (1279-1315) (3 taong namuno: 1312-1315)
- Hōjō Mototoki (hindi alam ang taon ng kapanganakan-1333) (namuno noong 1315)
- Hōjō Takatoki (1303-1333) (10 taong namuno 1316-1326)
- Hōjō Sadaaki (1278-1333) (namuno noong 1326)
- Hōjō Moritoki (hindi alam ang taon ng kapanganakan-1333) (6 na taong namuno: 1327-1333)
Panunumbalik ng kapangyarihan sa dinastiyang Kemmu (1333-1336)
baguhin- Prinsipe Moriyoshi (1308–1335) (namuno noong 1333)
- Prinsipe Narinaga (1326–1338/1344) (1 taong namuno: 1335–1336)
Kasugunang Ashikaga (1336-1573)
baguhin- Ashikaga Takauji (1305–1358) (20 taong namuno: 1338–1358)
- Ashikaga Yoshiakira (1330–1368) (9 na taong namuno: 1359–1368)
- Ashikaga Yoshimitsu (1358–1408) (26 na taong namuno: 1368–1394)
- Ashikaga Yoshimochi (1386–1428) (28 na taong namuno: 1395–1423)
- Ashikaga Yoshikazu (1407–1425) (2 taong namuno: 1423–1425)
- Ashikaga Yoshinori (1394–1441) (12 na taong namuno: 1429–1441)
- Ashikaga Yoshikatsu (1434–1443) (1 taong namuno: 1442–1443)
- Ashikaga Yoshimasa (1436–1490) (24 na taong namuno: 1449–1473)
- Ashikaga Yoshihisa (1465–1489) (15 na taong namuno: 1474–1489)
- Ashikaga Yoshitane (1466–1523) (17 na kabuang taong namuno: (3 taon)1490–1493 at (14 na taon) 1508–1521)
- Ashikaga Yoshizumi (1480–1511) (13 taong namuno: 1495–1508)
- Ashikaga Yoshiharu (1510–1550) (25 na taong namuno: 1522–1547)
- Ashikaga Yoshiteru (1536–1565) (18 na taong namuno: 1547–1565)
- Ashikaga Yoshihide (1540–1568) (namuno noong taong 1568)
- Ashikaga Yoshiaki (1537–1597) (5 taong namuno: 1568–1573)
Kasugunang Tokugawa (1603-1868)
baguhin- Tokugawa Ieyasu (1543–1616) (2 taong namuno: 1603–1605)
- Tokugawa Hidetada (1579–1632) (18 na taong namuno: 1605–1623)
- Tokugawa Iemitsu (1604–1651) (28 taong namuno: 1623–1651)
- Tokugawa Ietsuna (1641–1680) (29 na taong namuno: 1651–1680)
- Tokugawa Tsunayoshi (1646–1709) (29 na taong namuno: 1680–1709)
- Tokugawa Ienobu (1662–1712) (3 taong namuno: 1709–1712)
- Tokugawa Ietsugu (1709–1716) (3 taong namuno: 1713–1716)
- Tokugawa Yoshimune (1684–1751) (29 na taong namuno: 1716–1745)
- Tokugawa Ieshige (1711–1761) (15 na taong namuno: 1745–1760)
- Tokugawa Ieharu (1737–1786) (26 na taong namuno: 1760–1786)
- Tokugawa Ienari (1773–1841) (50 taong namuno: 1787–1837)
- Tokugawa Ieyoshi (1793–1853) (16 na taong namuno: 1837–1853)
- Tokugawa Iesada (1824–1858) (5 taong namuno: 1853–1858)
- Tokugawa Iemochi (1846–1866) (7 na taong namuno: 1859–1866)
- Tokugawa Yoshinobu (1837–1913) (1 taong namuno: 1867–1868)
(203.84.183.130 04:20, 21 Disyembre 2008 (UTC))
Sanggunian
baguhin- ↑ "Sugun," Sagalongos, Felicidad T.E. Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles. (1968).
- ↑ 2.0 2.1 Tent: Kubol, dampa, tolda, "Tolda ng Kampanya" Naka-arkibo 2012-12-12 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
- ↑ 3.0 3.1 "Shogun". The World Book Encyclopedia. World Book. 1992. pp. 432–433. ISBN 0-7166-0092-7.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Totman, Conrad (1966). "Political Succession in The Tokugawa Bakufu: Abe Masahiro's Rise to Power, 1843-1845". Harvard Journal of Asiatic Studies. 26: 102–124. doi:10.2307/2718461.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beasley, William G. (1955). Select Documents on Japanese Foreign Policy, 1853-1868, p. 321.