Emperador Meiji
Si Emperador Meiji (明治天皇 Meiji-tennō, Nobyembre 3, 1852 – Hulyo 30, 1912), o Meiji ang Dakila (明治大帝 Meiji-taitei), ay 1ka-122 Emperador ng Hapon ayon sa tradisyunal na kaayusan ng pagsunod, at namahala mula Pebrero 3, 1867 hanggang sa kanyang kamatayan noong Hulyo 30, 1912. Nung siya ay namatay kinalala ang kanyang panahon ng panunungkulan batay sa pinili niyang pangalang Meiji. Ang ibig sabihin ng Meiji ay Naliwanagang Paghahari.
Emperador Meiji 明治天皇 | |
---|---|
Panahon | Pebrero 3, 1867 – Hulyo 29, 1912 |
Hapon | Setyembre 12, 1868 |
Sinundan | Kōmei |
Sumunod | Taishō |
Mga Shogun | Tokugawa Yoshinobu |
Mga Punong Ministro | |
Asawa | Masako Ichijō |
Anak | Yoshihito, Emperador Taishō Masako, Prinsesa Tsune Fusako, Prinsesa Kane Nobuko, Prinsesa Fumi Toshiko, Prinsesa Yasu |
Buong pangalan | |
Mutsuhito (睦仁) | |
Lalad | Imperyal na Bahay ng Hapon |
Ama | Emperador Kōmei |
Ina | Nakayama Yoshiko |
Kapanganakan | 3 Nobyembre 1852 Kyoto, Pyudal na Hapon |
Kamatayan | 30 Hulyo 1912 Tokyo, Imperyong Hapones | (edad 59)
Libingan | Setyembre 13, 1912 Fushimi Momoyama no Misasagi (伏見桃山陵), Kyoto |
Lagda | |
Pananampalataya | Shinto |
Sa panahon ng kapanganakan ni Mutsuhito noong 1852, ang Hapon ay isang pyudal at saradong bansa na pinamumunuan ng mga Shogun galing sa angkang Tokugawa at iba’t ibang mga daimyo. Noong pumanaw si Mutsuhito noong taong 1912, nagbago ang anyong pampolitika, panlipunan at pangkabuhayang antas ng bansang Hapon. Nagkaroon ng rebolusyong industriyal at umusbong bilang isa sa mga pangunahing bansa ng daigdig ang kanyang bansa.
Kabataan
baguhinIpinanganak siya noong 3 Nobyembre 1852. Ang kanyang ama ay si Emperador Koumei at ang kanyang tunay na ina ay isang lady-in-waiting (‘kabit’) na si Yoshiko Nakayama. Ang kanyang ina ay anak ni Panginoong Tadayasu Nakayama, isang bantayog ng angkang Fujiwara at minsang naging Kaliwang Ministro (sadaijin).
Ipinanganak si Mutsuhito walong buwan bago dumating ang Amerikanong Commodore na si Matthew Perry sa Look ng Edo na nagbukas sa matagal na pagsasarili ng bansang Japan.
Tinawag si Mutsuhito noong siya’y bata pa bilang Prinsipe Sachi, at gaya ng nakagawian, mga ilang araw pa lamang siyang ipinanganak ay kinupkop na kaagad siya sa bahay Nakayama sa Kyoto. Noong 11 Hulyo 1860, pormal siyang inampon ni Asako Nyougou (di naglaon, ang Balong Emperatris Eishou), ang pangunahing konsorte (asawa) ni Emperador Koumei. Sa araw ding ito ay tinanggap niya ang pangalang Mutsuhito, at ang ranggong Prinsipe ng Imperyo at Prinsipeng Tagapagmana ng Trono ng Krisantemo.
Noong 3 Pebrero, umupo sa Trono si Mutsuhito at di naglaon ay pinili niya ang pangalang Meiji. Ito ang panahon na makikilala siya ng mga tao na magpapatungkol sa kanyang panahon kapag siya’y pumanaw na.
Noong 2 Setyembre 1867, pinakasalan ni Mutsuhito si Masako, ang ikatlong anak ni Panginoong Takada Ichijou, minsan naging Kaliwang Ministro. Kinilala ding Haruko itong si Masako at di naglaon noong sila’y nagsasama na tinawag siyang Emperatris Shouken. Sa loob ng ilang daang taon, siya ang kauna-unahang konsorte ng imperyo na makatanggap ng titutong kougou (asawa ng Emperador).
Bagaman si Masako ang kauna-unahang Emperatris din na nakikitang nakikisalamuha sa kanyang mga kinasasakupan, hindi siya nagsilang ng sanggol.
Si Mutsuhito ay nagkaroon ng 15 anak sa kanyang opisyal na lady-in-waiting (‘kabit’), pero Lima lang dito ang nabuhay ng matagal, nangamatay kaagad habang bata pa yung iba.
Ito ay sina:
- Nakoronahang Prinsipe Yoshihito (Prinsipe Haru), pangatlong anak na nabuhay noong 31 Agosto 1879. Umupo bilang Emperador Taisho.
- Prinsesa Masako (Prinsesa Tsune), ika-anim na anak na nabuhay noong 30 Setyembre 1888. Napangasawa nito si Prinsipe Tsunehisa Takeda, subalit walang mga naging supling.
- Prinsesa Fusako (Prinsesa Kane), pang-pitong anak na nabuhay noong 28 Enero 1890. Ikinasal kay Prinsipe Naruhisa Kitashirakawa. Nagkaroon ng mga supling.
- Prinsesa Nobuko (Prinsesa Fumi), pang-walong anak na nabuhay noong 7 Agosto 1891. Ikinasal kay Prinsipe Asaka Yasuhiko. May mga anak.
- Prinsesa Toshiko (Prinsesa Yasu) pang-siyam na anak na nabuhay noong 11 Mayo 1896. Ikinasal kay Prinsipe Naruhiko Higashikuni. May mga supling.
Si Emperador Meiji ang naging simbolong pinuno ng Panunumbalik ng Meiji, na kung saan tinalo ng mga pwersa ng imperyo sa Digmaang Boshin ang mga pwersa ng Shogun ng mga Tokugawa. Sa Sinumpaang Kasunduan, tinanggal ang pyudalismo at iprinoklama ang bagong demokratikong gubyerno ng Japan.
Bagaman, nabuo ang parlamento, wala itong tunay na kapangyarihan gaya din ng Emperador. Naipasa mula sa mga kamay ng Tokugawa ang kapangyarihan at napunta ito sa mga daimyo at mga samurai na namuno sa Panunumbalik ng Meiji. Kinokontrol ang Japan ng mga Genro o oligarkiya, na binubuo ng mga makapangyarihang tao sa militar, politika at kabuhayan. Kung ikukumpara sa ibang mga naging Emperador, ay lumampas sa Trono ng Chrysanthemum sa higit na edad 50 mula ng nagpaubaya si Emperador Oogimachi noong taong 1586.
Ang Panunumbalik ng Meiji ay pinagmulan ng malaking karangalan ng mga Hapones, dahil sa loob lamang ng isang henerasyon ay naging isang industriyalisado at umusbong ang kanilang bansa bilang isang kapangyarihan sa Asya at sa buong mundo.
Pero marami ang nagsasabing walang naiambag dito si Mutsuhito. Wala siyang kontrol sa Japan at hindi alam kung hanggang saan ang impluwensiya niya. Hindi din sigurado kung sinuportahan niya ang Digmaan sa pagitan ng Japan at Tsina (1804–95) at Russia (1904–05). Isa lamang sa mga pananaw sa kaisipan ni Mutsuhito ay makukuha sa kanyang mga tula na merong mga linyang nagsasaad ng kapayaan. Naglalarawan ito ng isang taong mapayapa at naghahangad ng isang paraan na hindi idinadaan sa digmaan.
Sa mga huling bahagi ng buhay ni Mutsuhito, ilang mga anarkista gaya ni Kotoku Shusui ay sinintensiyahang mamatay dahil sa pagpaplano niyang patayin ang Emperador.