Emperador Kōmei
Si Osahito (統仁) ang ika-121 ng Emperador ng Hapon na kung saan kinilala bilang Emperador Kōmei (Koumei). Si Osahito ang kahuli-hulihang Emperador na nabigyan ng nengo (pangalan ng panunungkulan) ng siya ay pumanaw dahil noong maluklok si Emperador Meiji (Yoshihito), at mga sumunod dito, pumipili na ng pangalan ng panunungkulan ang mga Emperador habang sila’y buhay pa.
Emperador Kōmei | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Hulyo 1831
|
Kamatayan | 30 Enero 1867
|
Mamamayan | Hapon |
Trabaho | ruler |
Opisina | Emperador ng Hapon (10 Marso 1846–30 Enero 1867) |
Anak | Emperador Meiji |
Magulang | |
Pirma | |
Ipinanganak siya noong 22 Hulyo 1831. Noong tumuntong sa kinse anyos si Osahito, umupo siya sa Trono ng Krisantemo noong 10 Marso 1846 hanggang sa kanyang kamatayan noong 30 Enero 1867. Ang kanyang titulo bago siya umupo sa trono ay Prinsipe Hiro.
Si Osahito ay pang-apat na anak ni Emperador Ninkou. Ang naging asawa ni Osahito ay si Kujou Asako. Nagkarron sila ng apat na anak na babae at dalawang lalake. Sa mga anak na ito, ikalawa ni Meiji na siya lamang ang nabuhay. Ang mga anak ni Osahito ay nangamatay bago pa man sumapit ang kanilang mga ikalawang kaarawan.
Ang nakababatang kapatid na babae ni Osahito na ni Prisesa Chikako (o mas kilala sa titulong Prinsesa Kazu) ay ipapakasal sana kay Shogun (sa Tagalog Sugun)Tokugawa Iemochi, bilang bahagi ng Pag-iisa ng Korte ng Emperador at ang Bakufu o ang pamahalaan ng Sugun. Pero namatay si Sugun Tokugawa Iemochi kung kaya’t nahinto ang mga negosasyon.
Tutol ang magkapatid na ito sa kasalang gagawain, bagama’t alam ni Osahito na mas lamang siya sa makukuha niyang kapag nagkaaroon ng ugnayang pampamilya ang Emperador at ang mga tunay na may hawak ng kapangyarihan sa Japan.
Balewala kay Emperador Koumei ang mga mga may kinalaman sa dayuhan. Tinutulan niya ang pagbubukas ng Japan sa mga Kanluraning Pwersa kahit na patuloy na tumatanggap ng mga kahilingan ang Emperador galing sa mga ito.
Noong 22 Enero 1858, ang namumuno ng pambansang edukasyon na si Hayashi Akira ay humingi ng payo kay Emperador Koumeir kung papaano pakikisalamuhaan ang mga makulit na mga dayuhang kapangyarihan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinonsulta ang Emperador ng simulang itayo ang Pamamalakad ng mga Sugun ng angkang Tokugawa. Sa panahong ito nakita ang patuloy na pababalik-balik ng mga mensahero sa Edo at Kyoto bilang katunayan na bumabalik na ang kapangyarihan ng Emperador at unti-unti ng humihina ang kapangyarihan ng mga Shogun.
Noong Oktubre ng 1858, sampung buwan ng magsimula itong palitan ng mga payo, ipinadala mula Edo hanggang Kyoto si Hayashi Akira para ipaliwanag kay Emperador Koumei kung ano ang mga nilalaman ng Tratado ng Pakikipagkaibigan at Komersyo o kilala din bilang Tratadong Harris. Dalawa ang pakay ni Hayashi Akira kay Osahito. Una, ipaliwanag sa nagdududang si Osahito kung ano ang mga terminong nakasaad at tratado at papayagin siya dito. Napapapayag din siya noong Pebrero 1859. Pinag-isipan niya ito ng apat na buwan ng mapagtanto niyang wala ng ibang alternatibo para dito.
Aprubado ni Emperador Koumei sa mga sentimentong kontra-kanluran. Pinutol din niya ang maharlikang tradisyon ng di pakikialam sa mga gawaing estado, dahil kung merong pagkakataon pinapakiaalaman niya ang paghalal ng mga bagong Sugun at pagsabotahe ng mga tratado. Ang kanyang mga pagpupunyagi ay humantong noong 1863 sa isang Katuusan na Nagpapalayas sa mga Barbaro. Bagama’t walang saloobin ang Sugun na ipatupad ang kautusang ito, umengganyo ito para salakayin ang gubyerno ng Sugun gayun din ang mga dayuhang nasa Japan.
Ang pinakabantog sa insidente ng mga pag-atake ay iyong kay Charles Richardson, isang Ingles na mangangalakal. Sa pagkamatay nito, napilitang nagbayad ng danyos-perwisyos ng isang daang libong lira (british pounds) ang gubyerno ng Tokugawa. Ang iba pang mga insidente ay ang pagkakanyon sa mga dayuhang bapor sa Shimonoseki.
Noong Enero ng taong 1867, natagpuang merong bulutong-tubig si Osahito. Maraming mga nagulat dito dahil kahit kelan hindi siya nakakitaan ng sakit. Noong 30 Enero 1867, lumala ang kanyang pagduduwal at pagtatae. Naglabasan ang mga pulang pantal sa kanyang mukha dahil sa bulutong-tubig at namatay siya sa tindi ng karamdamang ito. Halos 35 lamang siya noong siya ay namatay. May mga nagsasabi na nilason siya ng ilang mga tao na konektado sa grupo ng pamahalan na nasa ilalim ng Sugun.