Ayuntamiento de Manila
makasaysayang gusali sa Maynila, Pilipinas
Ang Ayuntamiento de Manila ay isang gusali na matatagpuan sa kanto ng Andrés Soriano (Calle Aduana) at Cabildo, kaharap ang Plaza de Roma sa Intramuros, Maynila, Pilipinas. Nakilala rin ang gusali na ito bilang Casas Consistoriales at nabansagang bilang Palasyo ng Marmol (Ingles:Marble Palace). Nawasak ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ipinatayo muli noong 2013. Simula noon, nagsilbi na ito bilang himpilan ng Kawanihan ng Kabang-yaman ng Pilipinas.
Ayuntamiento de Manila | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Estilong arkitektural | Bagong klasiko |
Bayan o lungsod | Maynila |
Bansa | Pilipinas |
Natapos | 1738, ipinatayo muli noong 1884 |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 4 |