Béla Bartók
Si Béla Viktor János Bartók ( /ˈbeɪlə ˈbɑːrtɒk/; Padron:IPA-hu; 26 Marso 1881 – 26 Setyembre 1945) ay isang Hungarian na kompositor, piyanista at isang ethnomusicologist. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang kompositor ng ika-20 siglo; siya at si Liszt ay itinuturing na pinakadakilang kompositor ng Hungary. Sa pamamagitan ng kanyang koleksyon at masusing pag-aaral ng mga katutubong musika (folk music), isa siya sa nagtayo ng comparative musicology, na naglaon ay naging ethnomusicology.