Si Bagwis ay isang karakter sa serye ng komiks na nilikha ni Elwood Perez para sa tabloid na pahayagan na Tempo at natapos ang serye noong 1992.[1][2] Ang karakter niya ay nagtataglay ng pambihirang lakas. Ilang sa mga katangian niya ay ang bagwis o pakpak sa likuran at ang paggamit ng espada at kalasag na bigay ng langit upang labanan ang kasamaan.

Bagwis
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaTempo
TagapaglikhaElwood Perez
Impormasyon sa loob ng kwento
KakayahanPambihirang lakas, paglipad, paggamit ng espada at kalasag

Isa siyang mandirigmang anghel na hango kay Arkanghel Miguel, ang anghel dela guwardiya na tumalo sa dragon na si Lusiper o si Satanas. Naisapelikula ito noong 1989 na may pamagat na Bagwis at si Chuck Perez ang gumanap na Bagwis.[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Olivares, Rick (Disyembre 11, 2014). "Reno Maniquis' Maskarado: A throwback superhero". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 3, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Elwood Perez flick opens 2014 Cinema One Originals Film Festival". Coconuts Manila (sa wikang Ingles). Nobyembre 6, 2014. Nakuha noong Abril 3, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. San Diego Jr., Bayani (Oktubre 28, 2010). "In his dad's footsteps: Chuck Perez's son joins show business". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 3, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)