Bahala na

(Idinirekta mula sa Bahala)

Ang bahala na[1] ay isang idyomatikong pariralang ginagamit ng mga Pilipino na nangangahulugang "Ang Diyos na ang maglalaan" o "Ang Diyos na ang magtatadhana." Pinakakahulugan din ng maikling pananalitang nito ang "Tingnan natin kung ano ang mangyari," "Tingnan natin kung ano ang magaganap 'pag dating ng takdang panahon," o "Mangyari na ang dapat maganap."[2]

Isa itong pagpapadamang pampilosiya ng mga Pilipino na naglalahad ng pananaw na "Haharapin ko ang anumang mangyari pagkatapos" ng isang pangyayari o gagawing kilos at hindi ang karaniwang patalistiko o mapagmatalong pahiwatig. Ayon sa Pilipinong manunulat na si Paraluman S. Aspillera[3], maaaring nabago ang ekspresyon sa loob ng pagdaan ng panahon. Maaari itong nagmula sa "Bathala na!", na tuwirang nangangahulugang "Kung gugustuhin ng Diyos", o ni Bathala, ang Diyos ng mga sinaunang Tagalog.[4], subalit nabago sa isang punto ng panahon. Maaari itong banggitin ng isang Pilipino na ginawa na ang lahat ng posibleng kaparaanan para makaalis sa isang mahirap na katayuan, kalagayan, o suliranin sa buhay.[5]. Isang makabagong bersiyon nito ang mas buong bersiyong "Bahala na ang Diyos!" at ang mas nakakatawa at nakapagpapasiyang bersiyong "Bahala na si Batman!".

Etimolohiya

baguhin

May kaugnayan ang pariralang ito sa salitang bahala na nagbabadya ng pananagutan o responsibilidad, kaya't singkahulugan din ito ng pamamatnubay o pamamatnugot. Sa payak na kahulugan, ito ang tiwala[6] at pagbabantay o (nasa) pag-iingat.[7] Maaari ring pamalit ito sa mga panawag pan-taong tagapangasiwa, katiwala, patnugot, at tagapangalaga.[2][3]

Dito nagmula ang salitang pabahalaan, katumbas ng trusteeship o board of trustees sa Ingles.[2][3] Nag-ugat din sa salitang bahala at bathala, sa kasong ito, ang salitang pamahalaan (gobyerno), na ayon sa mga pag-aaral pang-linggwistika na nagsasabing ang pamahalaan ay ang pinagsama-samang unlapi o prepiks na pang-, salitang bathala, at ang hulapi o supiks na -an. Kaya't. sa katunayan. nangangahulugan ang terminong "pamahalaan" na "Mamamanginoon sa ibabaw", "Maging panginoon sa ibabaw", o "Maging bikaryo ng Diyos."[8]

Maling Kuro-kuro ukol sa Bahala Na

baguhin

Ang karaniwang tumatatak sa isipan ng karamihan pag narinig ang "Bahala Na" ay ang pagtalikod sa mga responsibilidad, ang paggawang mga pagdadahilan, ang hindi pagsisikap para tuparin ang mga kinakailangan, atbp.

Dahil dito, ang ugali ng "Bahala Na" ay tinitignan at kinikilala bilang isang negatibong ugali ng mga Pillipino. Sinasabi ng karamihan- kadalasan mga dayuhan- na ito'y walang iba kung hindi fatalism o isang escapist value kung saan agad na sumusuko lamang ang mga Pilipino sa kanilang inaakalang kapalaran kapag sila'y nahihirapan sa hinaharapang sitwasyon o problema. Tinitignan ito bilang isang ugali na kailangan alisin sa karakter ng mga Pilipino dahil ito'y pumipigil sa pag-asenso ng bansa.

Ngunit, sa Sikolohiyang Pilipino, ang ibig sabihin ng "Bahala Na" ay "hindi natin hawak ang bukas, hindi natin mailalagay sa ating palad ang kapalaran ninuman, kung kaya’t dapat nating ipasa-Diyos ang magaganap." Ito'y simpleng pagtanggap ng naaayon kapag nagawa na ang lahat ng makakaya ng isang indibidwal, kapag na-ubos na ang lahat ng kanyang kakayahan, at kapag wala nang posibleng magagawa sa pagkamit ng layunin na iyon.

Mga Halimbawa

baguhin
  • Kapag natapos ang isang estudyante sa pagsagot ng kaniyang pagsusulit at ito'y na-ibigay na sa guro, wala na siyang magagawa pa sa pagpapataas o pag-iiba ng resulta ng pagsusulit na iyon, kaya naman magtitiwala nalang siya sa Diyos at aasa na mataas ang makuha niyang marka.
  • Kapag malapit-lapit na ang pagtitipon at ang lugar kung saan ito magaganap ay sa labas, ang punong-abala ay magtitiwala nalang sa Panginoon o sa kapalaran na hindi uulan sa panahon ng pagdiriwang.
  • Kapag ang isang binata ay umamin ukol sa kaniyang nararamdaman para sa babaeng liniligawan niya at ibinuhos na niya ang kaniyang buong puso sa harapan ng dalaga, wala na siyang magagawa pa kung hindi magtiwala sa kapalaran na ang babae ay ganoon rin ang nararamdaman para sa lalaki.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bahala na, God will provide, Glossary of Filipino Terms and Phrases". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 English, Leo James (1977). "Bahala na". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Ailanto: Bahala Na!, Kafejo.com
  4. De Mesa, José M. (1979) [url=http://books.google.com/books?id=SgYcAAAAMAAJ&q=%22bahala+na%22&dq=%22bahala+na%22&lr=&pgis=1]. "quote=". And God Said, "Bahala Na!": The Theme of Providence in the Lowland Filipino. p. 85. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong); Missing pipe in: |authorlink= (tulong); Missing pipe in: |chapter= (tulong); Missing pipe in: |origyear= (tulong)
  5. de la Costa, Horacio (1965) [url=http://books.google.com/books?id=KOABAAAAMAAJ&q=%22bahala+na%22&dq=%22bahala+na%22&lr=&pgis=1]. "quote=". Readings in Philippine history. Bookmark. p. 300. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong); Missing pipe in: |authorlink= (tulong); Missing pipe in: |chapter= (tulong); Missing pipe in: |origyear= (tulong)
  6. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Bahala, trust, custody". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Custody[patay na link], Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  8. English, Leo James (1977). "Pamahalaan, nag-ugat sa bahala". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

9. Menguito, M. & Teng-Calleja, M. (2010). "Bahala Na as an Expression of the Filipino's Courage, Hope, Optimism, Self-efficacy and Search for the Sacred."[1]

  1. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-09. Nakuha noong 2015-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)