Bakalaw
Ang bakalaw[1] (Ingles: cod o codfish) o kalaryas[2] ay isang pangkaraniwang katawagan sa mga isdang nasa saring Gadus, na nabibilang sa pamilyang Gadidae, at ginagamit din na karaniwang pangalan para sa iba't iba pang uri ng mga isda. Isang tanyag na pagkaing isda ang mga bakalaw na may katamtamang lasa, mababang bilang ng lamang-taba, at makapal na maputing kalamnan na madaling himayin. Ang mga atay ng bakalaw ay napagkukunan ng mga langis ng bakalaw[1], na pinanggagalingan ng bitamina A, D at mga matabang asidong omega-3 (ang EPA at DHA). Kung minsan, ang mga malalaking bakalaw na nahuhuli sa kapanahunan ng pagpupunla ay tinatawag na skrei. Bihira ang bakalaw sa Pilipinas,[1] bagaman maaaring makabili ng inasnan at tinuyong bakalaw mula sa mga tindahan ng mga pagkaing Kastila at Portuges.[3]
Gadidae | |
---|---|
Gadus morhua | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Gadidae
|
Sari/Henero | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Bakalaw, langis ng bakalaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaboy, Luciano L. Cod, bakalaw, kalaryas - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bacalao". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.