Balud (ibon)
Ang balud o pink-bellied imperial pigeon ( Ducula poliocephala ), ay matatagpuan sa Pilipinas . Ito ay isang malaking ibong kumakain ng prutas na umaabot sa mga sukat na hanggang 42cm ang haba.
Pink-bellied imperial pigeon | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Columbiformes |
Pamilya: | Columbidae |
Sari: | Ducula |
Espesye: | D. poliocephala
|
Pangalang binomial | |
Ducula poliocephala (Gray, 1844)
|
Ang malaking bahagi ng balud ay kulay madilim na berde, maliban sa ulo na maputlang kulay-abo na ulo; tiyan na kulay-rosas, at buntot na may muwestra na kayumanggi, itim, at kulay-abo. Pula ang mga mata at ang ceres ng tuka nito. Ang balud ay naobserbahan nang makipaghalongpugad sa iba pang uri ng mga malalaking kalapati.
Paglalarawan
baguhinSa pagsasalarawan ng Ebird, ang balud ay isang malaking kalapating matatagpuan sa bandang mga burol at sa tabing ng mga puno bandang ibaba ng kagubatang bulubundukin, na may puting ulo, dibdib at bandang itaas ng likod na madilim na maasul-abo na dibdib at itaas, pakpak na berden, mamuti-muting kulay-rosas tiyan, at kulay kalawang sa bandang ilalim ng tuntungan ng buntot. May malaking pulang singsing ito sa paligid ng mata. Medyo kahawig nito ang Mindoro imperial pigeon, ngunit ang bulad ay may maitim na leeg at dibdib. Ang huni ay isang malalim, madagundong, at pataas na "doo-dup! doo-dup!” na maririnig kahit sa malayo." Pinaniniwalaang malalakas na lumipad ang mga ibong ito at may kakayahang lumipad sa pagitan ng mga magkakalapit na isla.
Katayuan ng Tirahan at Konserbasyon
baguhinAng likas na tiraha nito ay tropikal at halomigmig na Maulang gubat at sa mga bulubunduking gubat hanggang sa taas ana 1,500m. Ayon sa IUCN Red List at sa Red Book ng BirdLife International, ang balud ay inuri bilang near-threatened. Gayunpaman, inuri ng Philippine Red List ang ibong ito bilang Critically Endangered. Ito ay dahil sa pagkawala ng tirahan nito, sa paghuli nito para sa kalakal bilang alagang hayop, at sa pangangaso dito bilang pagkain. Bagama't ito ay pangkaraniwan sa loob ng Pilipinas, ang espesye na ito ay kakaunti at malamang ay may kaliitang populasyon, na pinaghihinalaang nasa may kabilisan ang pagbaba dahil sa pangangaso at ang pagkasira ng tirahan nito sa kagubatan sa mababang bulubundukin. Ang ibong ito ay napakabihira sa Luzon, ngunit mas madalas makita sa Negros Island, Mindoro, Samar at Mindanao. Ito ay naubos sa Cebu .
Mga sanggunian
baguhin- ↑ BirdLife International (2016). "Ducula poliocephala". IUCN Red List of Threatened Species. 2016: e.T22691611A93318553. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22691611A93318553.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)