Dakilang Awa ng Diyos

(Idinirekta mula sa Banal na Awa)

Ang Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa (Ingles: Divine Mercy) ay isang debosyong Katoliko Romano na nakatutok sa awa ng Diyos at ang kanyang kapangyarihan, lalo na bilang isang paraan ng pagpapasalamat at pagtitiwala sa awa ng Diyos.

Dakilang Awa ng Diyos.

Ang debosyon bilang kilala ngayon ay iniuugnay sa madreng Polako at santa na si Sister Maria Faustina Kowalska, na kilala bilang ang "Alagad ng awa", na nabuhay noong 1905 hanggang 1938[1]. Ito ay batay sa isang taludtod sa Bibliya: Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.[2] na sa kahit sino na naghahanap ng awa ng Diyos ay hindi makalayo. Ayon kay Kowalska, si Jesus, sa mga panloob na pananalita sa kanya, kanyang hiniling na ikomisyon ng isang larawan ng kanya na may salitang Jezu Ufam Tobie (Hesus, ako ay nananalig sa Iyo) na nakalagay sa ibaba.

Noong 2000, opisyal na itinatag ni Santo Papa Juan Pablo II ang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos sa lahat ng dako para sa Simbahang Katoliko sa parehong araw na inilista rin niya sa mga santo si Sta. Faustina.

Ang Banal na Awa ng Diyos ay kinikilala rin at ipinagdiriwang ng Anglikanong Iglesyang Unibersal. Ang UAC ay inangkop ang koronang bulaklak at ang rosaryo.[3]

Mga Dasal sa Dakilang Awa ng Diyos

baguhin

Ang Koronilyang Bulaklák ng Dakilang Awa

baguhin
 
Dakilang Awa ng Diyos (Coronel Fabriciano, Brazil).

Kahit na ang pinagmulan ng anyo at gamit ng mga koronilyang bulaklák ay sa Rosaryong Katoliko, ang Koronilyang Bulaklák ng Dakilang Awa ay maaari ring dasalín ng mga 'di-Katoliko. Sa katunayan, ginamit ang rosaryo upang sabihin ang panalanging ito sa mga sumusunod na paraan:

Mag-Antanda: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Sa umpisa, dasalin ang:
Isang Ama Namin...
Isang Aba Ginoong Maria...
Isang Sumasampalataya...

Sa bawat malalaking butil (Ama Namin) sa bawat dekada:

P: Amang Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa, at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos,
B: Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala, at sa sala ng buong sansinukob.

Sa sampung maliliit na butil (Aba Ginoong Maria) sa bawat dekada:
P: Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus,
B: kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

Bigkasin nang tatlong (3) ulit ang Trisagion bilang pangwakas:
B: Banál na Diyos, Banál na Puspos ng Kapangyarihan, Banál na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen.

P: O Hesus, Hari ng Awa,
B: Ako ay nananalig sa Iyo!

Mag-Antanda: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

[4]

Panalangin sa Ikatlo ng Hapon

baguhin

Maaari itong dasalin sa ikatlo ng hapon, Ito ang oras ng pagkamatay ni Hesus.

Pumanaw Ka, Hesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong Sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo.

Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) AMEN.

O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!

Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos

baguhin

Ang Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos ay tumatapat sa ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Itinalaga ito noong 30 Abril 2000 nang gawing santa si Sta. Faustina.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ikinumpirma ni Papa Juan Pablo II, sa kanyang ensikliko noong 30 Nobyembre 1980 na pinamagatang Dives in Misericordia.
  2. Mateo 7:7, Bagong Magandang Balita Biblia
  3. "Divine Mercy Society". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-02. Nakuha noong 2021-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "National Shrine of the Divine Mercy Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-01. Nakuha noong 2010-05-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin