Ang Bandung (Sunda: ᮘᮔ᮪ᮓᮥᮀ) ay ang pinakamalaking metropolitanong lungsod sa lalawigan ng Kanlurang Java (West Java) sa Indonesia. Ito rin ang kabisera ng naturang lalawigan. Matatagpuan ang lungsod sa may 140 km timog-silangan ng Jakarta, at ito ang pangatlo sa mga pinakamalaking lungsod sa Indonesia ayon sa populasyon, pagkatapos ng Jakarta at Surabaya. Ang kalakhan naman nito, ang Bandung Raya (Kalakhang Bandung), ay ang ikatlong pinakamalaking kalakhan sa bansa, pagkatapos ng Jabodetabekjur (Kalakhang Jakarta) at ang Gerbangkertosusila (o Grebangkertosusilo) sa Surabaya.

Bandung

ᮘᮔ᮪ᮓᮥᮀ
Downtown Bandung
Downtown Bandung
Watawat ng Bandung
Watawat
Opisyal na sagisag ng Bandung
Sagisag
Palayaw: 
BDG
Bansag: 
Bermartabat (Bersih, Makmur, Taat, dan Bersahabat)
Lokasyon ng Bandung sa Kanlurang Java
Lokasyon ng Bandung sa Kanlurang Java
Bandung is located in Indonesia
Bandung
Bandung
Lokasyon ng Bandung sa Indonesia
Mga koordinado: 6°54′43″S 107°36′35″E / 6.9120°S 107.6097°E / -6.9120; 107.6097
BansaIndonesia
LalawiganKanlurang Java
RehiyonJava
Settled25 Setyembre 1810
Pamahalaan
 • Punong LungsodYana Mulyana
Lawak
 • Lungsod167.67 km2 (64.74 milya kuwadrado)
 • Metro
2,216.6 km2 (855.8 milya kuwadrado)
Taas
5 m (16 tal)
Populasyon
 (senso ng 2010, paunang bilang[1])
 • Lungsod2,393,633
 • Kapal14,000/km2 (37,000/milya kuwadrado)
 • Metro
7,414,560
 • Densidad sa metro3,300/km2 (8,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+7 (IWST)
Websaytbandung.go.id

Unang itinatag ng mga Olandes ang mga plantasyon para sa dahon ng tsaa sa mga pook na ngayo'y bahagi ng Bandung noong ika-18 siglo, at itinayo ang isang daang patungo sa kabisera ng kolonya, na may layong 180 km. Iginawad naman ang Bandung ng katayuan bilang isang bayan (gemeente), at unti-unting naging lungsod ito para mga mayayaman na nais magpahinga. Sa taas na 768 metro (2,520 ft) sa ibabaw ng lupa, binansagang "Paris ng Java" ang lungsod, at nagsilbi rin ito bilang kabisera ng Silangang Indiyang Olandes.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Indonesia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.