Bangko sa Lupa ng Pilipinas

Ang Bangko sa Lupa ng Pilipinas (Inggles: Land Bank of the Philippines, dinadaglat bilang Landbank, LBP) ay isang bangko sa Pilipinas na pagmamay-ari ng pamahalaan ng Pilipinas, na may natatanging pokus ng paglilingkod sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda. Nagbibigay ito ng serbisyo ng isang bangko unibersal (universal bank), subali't ito ay isang natatanging bangkong pampamahalaan (specialized government bank) na may lisensiya bilang isang bangko panlahatan. Dahil sa kalakihan ng bangko, ang Landbank ay ang pinakamalaking bangko kung saan ang may-ari ay ang pamahalaan. Ito rin ay isa sa mga pinakamalaking pampublikong kompanya sa Pilipinas.

Bangko sa Lupa ng Pilipinas (Landbank)
UriKompanyang pampamahalaan
IndustriyaPananalapi at Seguro
ItinatagMaynila, Pilipinas (8 Agosto 1963)
Punong-tanggapanMaynila, Pilipinas
Pangunahing tauhan
Margarito B. Teves, Tagapangulo
Gilda E. Pico, Ikalawang Tagapangulo, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap (CEO)
ProduktoSerbisyong pananalapi
KitaPHP 2.45 bilyon (3Q 2005) [1]
Dami ng empleyado
7,954
Websitewww.landbank.com

Ang LANDBANK ay ang ika-apat na pinakamalaking bangko ayon sa laki ng ari at ang pinakamalaking bangkong pag-aari ng pamahalaan. Ito rin ang pinakamalaking korporasyong pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas.

Mga panlabas na kawing

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.