Ang Baranzate (Milanes: Baranzaa [barãˈtsaː]), dating isang frazione ng kalapit na comune ng Bollate, ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Milan, rehiyon Lombardia, hilagang Italya, mga 8 kilometro (5 mi) hilagang-kanluran ng Milan. Ito ay nilikha noong 2004 matapos ang dating pagkakatatag nito, noong 2001, ay ideklarang labag sa konstitusyon.

Baranzate

Baranzaa (Lombard)
Comune di Baranzate
Lokasyon ng Baranzate
Map
Baranzate is located in Italy
Baranzate
Baranzate
Lokasyon ng Baranzate sa Italya
Baranzate is located in Lombardia
Baranzate
Baranzate
Baranzate (Lombardia)
Mga koordinado: 45°31′N 9°6′E / 45.517°N 9.100°E / 45.517; 9.100
BansaItalya
RehiyonLombardia
Kalakhang lungsodMilan (MI)
Pamahalaan
 • MayorLuca Mario Elia
Lawak
 • Kabuuan2.78 km2 (1.07 milya kuwadrado)
Taas
155 m (509 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan12,003
 • Kapal4,300/km2 (11,000/milya kuwadrado)
DemonymBaranzatesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
20021
Kodigo sa pagpihit02
WebsaytOpisyal na website

Ang Baranzate ay nasa hangganan ng Bollate sa hilaga at hilagang-kanluran, Novate Milanese sa silangan, at distrito ng Roserio ng Milan sa timog at timog-kanluran.

Kasaysayan

baguhin

Ang Baranzate ay binanggit sa unang pagkakataon sa isang Lombardong kodigo ng 994 AD, na may pangalang Balanziate. Noong 1235 ang pagkakaroon ng Munisipalidad ng Baranzate ay dokumentado: maraming lupain ang nabibilang sa Monasteryo Maggiore ng Milan (ngayon S. Maurizio) at sa monasteryo ng S. Ambrogio. Noong ikalabintatlong siglo ay binanggit ang pagkakaroon ng simbahan ng San Vincenzo in Baranzate.

Bago ang 2001, ang Baranzate ay isang frazione ng comune ng Bollate. Ito ay itinatag bilang isang nagsasariling comune noong Nobyembre ng taong iyon sa pamamagitan ng promulgasyon ng isang panrehiyong batas.[4] Noong 2003 ang batas na ito ay idineklara na labag sa konstitusyon ng Hukumang Pangkonstitusyon ng Italya.[5] Ang pagtatatag ng bagong comune ay pinawalang-bisa, at ang Barazate ay naging isang frazione muli ng Bollate. Noong Mayo 2004 isang bagong batas sa rehiyon[6] ang muling itinatag ang comune.[7][8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Legge Regionale 23 novembre 2001 n.21; 1° s.o. al B.U.R. n.48 del 27 novembre 2001.
  5. Sentenza Corte Costituzionale n. 47/2003 del 10 febbraio 2003; G.U. n.7 (1° serie speciale) del 19 febbraio 2003
  6. Legge Regionale 22 maggio 2004 n. 13; B.U.R. n. 22 del 24 maggio 2004, 1° s.o.
  7. ‘Variazioni amministrative e territoriali dei comuni dal 1991’ Naka-arkibo 2009-06-21 sa Wayback Machine., Istat, 2009.
  8. Codici dei comuni, delle province e delle regioni Naka-arkibo 2011-01-09 sa Wayback Machine., Istat, 2009.
baguhin