Basahan (sistema ng pagsusulat)

Sinaunang sulat ng mga Tagalog

Ang Sulat Basahan,[1] o kilala din bilang Guhit, ay isa sa mga sinaunang mga sistema ng pagsusulat sa Pilipinas na ginamit ng mga sinaunang katutubong Bikolano bago sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas.

Basahan
Guhit, Súrat Bikolnon
UriAbugida
Mga wikaBikol
Mga magulang na sistema
Mga kapatid na sistemaSa Pilipinas:
Baybayin
Buhid

Kulitan
Hanunó'o
Sulat Tagbanwa

Sa Ibang bansa:
Balines
Batak
Habanes
Lontara
Sundanes
Rencong
Rejang
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Pangunahing pabalat ng talasalitaan na Bikol ni Mintz na nagpapakita ng sulat Basahan.

Alpabeto

baguhin
 
Surat guhit (basahan)

Ang mga Basahan ng pre-Hispanikong Bikolano ay mayroon tatlong patinig (a, i, o) at labing limang mga katinig (ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, ra, sa, ta, wa, ya). Tinatawag na abugida ang sulat sapagkat ang mga pananda ay nagrerepresenta ng silaba, iyan ay katinig na may patinig.

Paraan ng pagsulat

baguhin

Base kay Scott, kapag ang halimbawa ng pananda para sa "ba" ay binabasa bilang "be" / "bi", mayroon itong kaldit (isang maliit na hugis "v" na panandang dayakritiko) sa kaliwa (o ibabaw), kung babasahin naman ito bilang "bu" / "bo", ang kaldit ay nasa kanan. Ang basahan ng mga matandang mga Bikolano ay mayroon sariling pananda para sa /r/ habang ang Tagalog (Baybayin) at Ilokano (Kurdita) ay wala.[2] Sa panahon na iyon, ang kaldit ay tinatawag na kaholoan o holo base kay Marcos de Lisboa, may-akda ng pinakaunang talasalitaan ng Bikol.[3][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lisboa, Maŕcos de (1865). "basahan". Vocabulario de la Lengua Bicol (sa wikang Kastila at Bikol). p. 60. Nakuha noong 2019-12-01. BASAHAN. pc. El a, b, c, de ellos por donde aprenden á leer que tiene quince letras consonantes, y tres vocales, a, e, o.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Scott, William Henry (2004). Barangay (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University Press. p. 186. ISBN 971-550-135-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lisboa, Maŕcos de (1865). "caholoan". Vocabulario de la Lengua Bicol (sa wikang Kastila at Bikol). p. 86. Nakuha noong 2019-12-01. CAHOLOAN. pc. Una virgula de esta manera, V. que ponen á los lados de sus caractéres, etc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)