Ang Basra o Al-Baṣrah (Arabe: البصرة‎; tinatawag ding Al Basrah o 'Basorah) ay ang kabisera ng Lalawigan ng Basra, Irak, at nagkaroon ng tinatayang populasyong 3,800,200 noong 2009.[1] Pangunahing daungan din ng Irak ang Basra, bagaman wala itong kakayahang pasukan na pangmalalim na katubigan, na pinangangasiwaan sa puwerto ng Umm Qasr. Makasaysayang lokasyon ang lungsod ng Sumer, ang tahanan ni Sinbad na Mandaragat, at isang iminungkahing lokasyon ng Halamanan ng Eden. Nagkaroon din ito ng gampanin sa maagang kasaysayan ng Islam, dahil sa pagkakatatag nito sa loob ng 636 CE (Pangkaraniwang Panahon), o 14 AH. Ito ang pangalawang pinakamalaki at pinakamataong lungsod na kasunod ng Baghdad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Coalition Provisional Authority, South-Central Region Naka-arkibo 2009-12-30 sa Wayback Machine., United Nations 2003 population estimate, accessed 27 November 2008

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Irak ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.