Ang bato ng pilosopo, o ang mas kilalá sa Ingles bílang philosopher's stone (Latinlapis philosophorum) ay isang maalamat na substansiyang alkimiko na may kakayahang gawin ang transmutasyon ng mga base metal (hal: tingga, asoge) tungo sa pagiging ginto (chrysopoeia, mga sa Griyegong χρυσός khrusos, "ginto" at ποιεῖν poiēin, "gawin") o pilak. Káya rin nitong pahabain ang búhay ng isang tao at tinatawag na eliksir ng búhay, magagamit sa pagpapabata at upang makamit ang walang hanggang búhay; nang napakaraming siglo, ito ang naging pinakahinahangad sa alkimiya. Ang bato ng pilosopo ang naging pangunahing simbolo ng mistikong terminolohiya ng alkimiya, kumakatawan sa perpeksiyon, kaliwanagan, at lubos na kaligahayang makalangit. It is also able to extend one's life and called the elixir of life, useful for rejuvenation and for achieving immortality; for many centuries, it was the most sought-after goal in alchemy. Ang mga tangka sa pagtuklas nitó ay nakilala sa tawag na Magnum Opus ("Dakilang Gawa").

Ang Alkimista, Sa Paghahanap Niya Sa Bato Ng Pilosopo ni Joseph Wright ng Derby, 1771

Kasaysayan

baguhin

Ang mga unang pagbanggit sa bato ng pilosopo sa mga kasulatan ay mahahanap sa Cheirokmeta ni Zosimos ng Panopolis (c. 300 AD). Sinasabi naman nina Elias Ashmole at ang di-makilalang may-akda ng Gloria Mundi (1620) na ang kasaysayan ng alkimiya ay nagsimula pa noong panahon ng Adan, at nakuha niya mismo ang kaalaman tungkol dito mula sa Diyos. Ang kaalamang ito ay sinasabing pinagpasa-pasahan ng mga biblikal na patriyarka, na nagbigay sa kanila ng mahabang búhay. Ang alamat ng bato ay kinokompara din sa biblikal na kasaysayan ng Templo ni Solomon at ang batong tinanggihan na nilalarawan sa Salmo 118.

Ang teoretikal na pinagmulan ng pagkalikha sa bato ay maaaring mabakas hanggang sa pilosopiyang Griyego. Ginamit ng mga alkimista ang mga klasikal na elemento, ang konsepto ng anima mundi, at mga Creation story na nakapresenta tulad ng mga teksto sa Timaeus ni Plato bílang mga analohiya para sa kanilang proseso. Ayon kay Plato, ang apat na elemento ay nanggaling sa iisang pinagmulan o prima materia (unang materya), na inuugnay sa keyos (chaos). Prima materia din ang pangalan binibigay ng mga alkimista para sa pangunahing sangkap para sa paglikha sa bato ng pilosopo.