Nakatayong bato
Ang nakatayong mga bato o mga batong nakatindig ay mga batong pabertikal na inilagay sa lupa. Maaaring isahan lamang o maramihan ang mga ito. Sari-sari ang kanilang mga uri. Kung pangkat-pangkat, nasa anyong pabilog sila, pabilohaba, parang hugis U o parang sapatos na bakal ng kabayo, may magkakapatong din. Matatagpuan sila sa lahat ng mga bahagi ng mundo. Mahirap na mabigyan sila ng tumpak na petsa kung kailan naitayo o alamin ang tunay na layunin para sa mga ito. Sa kung minsan, napakalalaki ng sukat ng mga batong ito, kaya't tinatagurian din sila bilang mga dambuhalang moog, na may kaugnayan sa sinaunang mga seremonyang makapananampalataya at naglalaman kung minsan ng mga libingan.[1]
Sa Aklat ng Henesis (Henesis 28:18) ng Lumang Tipan ng Bibliya, tinatawag silang mga massebah, na ginagamit bilang alaala o pang-alaala ng isang pangyayari o kaganapan.[2] Isa pang halimbawa ng mga batong nakatindig ang mga nasa mataas na bahagi ng Gezer ng sinaunang Israel. Binubuo ito ng sampung mga batong ang ilan ay may taas na 20 mga talampakan. [3]
Sa paganismo
baguhinNagtayo ng ganitong mga bato ang mga pagano sa Gitnang Silangan, bago pa man nagkaroon ng mga Israelita. Nagtitindig ang mga pagano ng mga bato upang sampalatayain ang kanilang mga diyos, upang alalahanin ang isang mahalagang kaganapan o pakinabang na idinulot sa kanila ng kanilang mga diyus-diyusan, upang ipahayag ang pagkakaroon ng kasunduan o tratado, at upang himukin ang Diyos na maging saksi sa isang bagay. [3]
Sa Bibliya
baguhinAng massebah
baguhinNagbuhat ang katawagang massebah para sa batong nakatindig bilang "itikas" o "igayak". Madalas itong banggitin sa Bibliya, bagaman wala pang natutuklasang mga nakatayong batong binanggit sa Bibliya ang mga arkeologo. Batay sa salaysay ng Bibliya, nagtindig ng ganitong mga bato sina Jacob, Moises, Josue, ang mga Cananeo, at mga Israelitang taga-Juda. May dalawang uri ng mga massebah: ang itinayo para sa mabuting layunin at yaong mga itindig para sa masama.[3]
Mabubuting massebah
baguhinMga bato ni Jacob
baguhinMay apat na pagkakataong nagtindig si Jacob ng mga bato. Ginawa niya ito upang magilbing alaala ang batong ito ng mahahalagang mga kaganapan sa kanyang buhay. Una, pagkaraan magsalita ang Diyos sa kanya habang nasa ibabaw ng isang hagdan o hagdanang papuntang kalangitan (Henesis 28). Ginawa niyang isang massebah ang batong ginawa niyang unan para sa kanyang ulo. Pangalawa, nagtayo ng isang bato si nang lisanin niya ang paganong pook ng kanyang biyenang si Laban upang tugunin ang nais ng Diyos na magbalik siya sa Bibliya (Henesis 31). Pangatlo, sa Henesis 35, nagtikas siya ng bato upang magsilbing moog para sa kapangyarihan at presensiya ng Diyos. At pang-apat, nagtayo siya ng isang bato sa libingan ng kanyang asawang si Raquel (o Rachel) sa Betlehem, upang maging tanda ng kanyang pananagutan sa pagkamatay nito at sagisag din ng pamumuhay ng may katapatan sa Diyos (Henesis 31:32).[3]
Mga bato ni Moises
baguhinLabindalawang mga batong nakatayo ang naging sagisag ng pagkakaligtas ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Ang mga ito ang nagsilbing kinatawan ng kanilang tipan sa Diyos sa pamamagitan ni Moises (Exodo ).[3]
Mga bato ni Josue
baguhinPitong beses na nagtayo ng mga bato si Josue upang magbigay galang sa kapangyarihan ng Diyos. Labindalawang mga batong nagmula sa pilapil ang sumagisag sa pagkakahati ng Ilog ng Jordan, na nagpakita ng kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng mga diyos ng kasaganahan o pertilidad ng mga Cananeo (Josue 4). Sa huling yugtong buhay ni Josue, naging tanda rin ng pagtitiyak ng mga Israelita na maglilingkod sila sa Diyos ang isang batong itinayo sa ilalim ng isang puno ng owk (Josue 24:21).[3]
Masasamang massebah
baguhinMga bato ng mga Cananeo
baguhinIsang pangungutya sa Diyos ng mga Israelita ang mga itinayong bato at mga dambana ng mga Cananeo, sapagkat sumasamba sila sa mga diyus-diyusan na humihikayat ng imoralidad, kahalayan, at pag-aalay ng buhay ng tao, iba pang hindi normal na gawain.[3]
Mga bato ni Rehoboam
baguhinNoong namumuno si Haring Rehoboam sa Juda, sinuway ng mga Israelita ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga “banal na bato”. Inialay nila ang mga ito para sa kanilang sarili, hindi para sa Diyos (1 Mga Hari 14:23).[3]
Impluho sa kasalukuyan
baguhinSa ngayon, naglalagay ng mga lapida ang mga tao sa puntod o libingan ng kanilang mga patay.[3] Nagbuhat ang kaugaliang ito mula sa pagtatayo ng mga piraso ng mga batong may mga titik, sulat, at disenyo, na nagsisilbi bilang haliging pang-alaala. Itinayo upang magsilbing mga massebah ang mga ganitong panandang bato o stele kung tawagin sa Ingles. Naging kaiba nga lamang sila, katulad ng nabanggit, dahil mayroon silang mga nakaukit na mga paglalahad o paliwanag na kaugnay ng kanilang kahalagahan. Halimbawa ng sinaunang ganitong mga "lapida" ang bantayog na itinayo ni Haring Saul sa Carmel (1 Samuel 15:12). Noong 1993, nakatuklas ng mga "lapidang massebah" ang mga arkeologo sa Tel Dan ng Gitnang Silangan. Isa sa mga ito ang nag-iisang isang batong bumabanggit sa pangalan ni Haring David ng Bibliya.[3] Ginagamit pa rin ang batong katulad nito bilang panandang pangmoog o pang-alaalang sagisag sa mga gusali.[4]
Sanggunian
baguhin- ↑ Chris Roberts. Heavy Words Lightly Thrown: The Reason Behind Rhyme, Palimbagang Thorndike, 2006 (ISBN 0-7862-8517-6)
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Massebah". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 48. - ↑ 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 [Standing Stones]: Massebah (isahan), Masseboth (maramihan), Stele (isahan), Stelae (maramihan), That The World May Know Ministries, Holland, Michigan, PottersHouseSchool.org
- ↑ Gaboy, Luciano L. Stele - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.