Tjörn (munisipalidad ng Suwesya)

bayan sa Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya
(Idinirekta mula sa Bayan ng Tjörn)

Ang Munisipalidad ng Tjörn (Tjörns kommun) ay isang munisipalidad na sumasakop sa pulo ng Tjörn sa Lalawigan ng Västra Götaland sa kanluraning bahagi ng Suwesya. Ang luklukan nito ay nasa Skärhamn.

Munisipalidad ng Tjörn

Tjörns kommun
Eskudo de armas ng Munisipalidad ng Tjörn
Eskudo de armas
BansaSuwesya
LalawiganLalawigan ng Västra Götaland
LuklukanSkärhamn
Lawak
 • Kabuuan845.94 km2 (326.62 milya kuwadrado)
 • Lupa167.36 km2 (64.62 milya kuwadrado)
 • Tubig678.58 km2 (262.00 milya kuwadrado)
 Lawak mula noong Enero 1, 2014.
Populasyon
 (Disyembre 31, 2018)[2]
 • Kabuuan15,922
 • Kapal19/km2 (49/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)
Kodigo ng ISO 3166SE
Lalawigan (sinauna)Bohuslän
Hudyat pambayan1487
Websaytwww.tjorn.se

Ang Tjörn ay ang ika-anim sa pinakamalaking pulo sa Suwesya. Ito ay matatagpuan sa sinaunang lalawigan ng Bohuslän.

Ang dating kalipunan ng mga kabayanan sa pulo at mga karatig pulo nito ay pinagsama upang mabuo ang Munisipalidad ng Tjörn noong 1952.

Sa loob ng mga dantaon, ang pangunahing hanapabuhay sa munisipalidad ay ang pangingisda at paggawa ng mga lunday. Ang mga pinakamalaking maypagawa na matatagpuan dito ay ang maypagawa sa pag-angkat TransAtlantic (dating kilala bilang B&N) at ang mga dahikan ng Djupviks varv at Rönnängs varv.

Taladutaan

baguhin

Dumurugtong ang Tjörn sa silangan sa pangunahing bahagi ng Suwesya sa pamamagitan ng Tulay ng Tjörn sa may munisipalidad ng Stenungsund, at sa hilaga naman sa pulo ng Orust sa pamamagitan ng Tulay ng Skåpesund. Ang Skärhamn ay ang punungbayan nito. Karamihan ay mga pamayanang nabubuhay sa pangingisda, tulad ng Rönnäng, Klädesholmen at Kyrkesund. Ang pulo ng Mjörn sa hilagang-silangang bahagi ng Tjörn ay may mga malalaking pampang-kabibe.

Pamayanan

baguhin

Turismo

baguhin
 
Mga lunday sa Kyrkesund, Tjörn

Lumulobo ang santauhan tuwing tag-araw mula 10,000 hanggang sa pagitan ng 20,000 at 30,000 dahil sa pagdating ng mga nagliliwaliw upang maglayag at lumangoy. Maraming panauhing daungan ang Skärhamn na maaaring panuluyan ng mga naglalayag na naglalakbay sa kanlurang bayabayin ng Suwesya. Dito rin matatagpuan ang Museo ng Pangulay-tubig ng Nordiko (Akvarellmuseet).

Karagdagang kaalaman

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Statistiska centralbyrån, Kommunarealer den 1 januari 2014" (Microsoft Excel) (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Nakuha noong Abril 18, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Folkmängd i riket, län och kommuner 31 december 2018" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Pebrero 21, 2019. Nakuha noong Pebrero 23, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin

58°00′N 11°33′E / 58.000°N 11.550°E / 58.000; 11.550