Lalawigan ng Västra Götaland

lalawigan (län) sa Suwesya

Ang Lalawigan ng Västra Götaland (Suweko: Västra Götalands län) ay isang lalawigan o län sa kanluraning baybayin ng Suwesya.

Lalawigan ng Västra Götaland

Västra Götalands län
Watawat ng Lalawigan ng Västra Götaland
Watawat
Eskudo de armas ng Lalawigan ng Västra Götaland
Eskudo de armas
Kinaroroonan ng Lalawigan ng Västra Götaland sa Suwesya
Kinaroroonan ng Lalawigan ng Västra Götaland sa Suwesya
Mapa ng Lalawigan ng Västra Götaland sa Suwesya
Mapa ng Lalawigan ng Västra Götaland sa Suwesya
BansaSuwesya
ItinatagEnero 1, 1998
PunungbayanGotemburgo, Vänersborg
Kabayanan
Pamahalaan
 • Punong-lalawiganLars Bäckström
 • SanggunianSangguniang Lalawigan ng Västra Götaland
Lawak
 • Kabuuan25,247 km2 (9,748 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Setyembre 30, 2017)[1]
 • Kabuuan1,686,287
 • Kapal67/km2 (170/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)
Kodigo ng ISO 3166SE-O
KGK/ Pasapyaw$80 sanggatos (2015)
KGK kada ulo$50,000 (2015)[2]
Pook NUTSSE232
Websayto.lst.se

Ito ay ikalawa sa may pinakamalaking santauhan sa mga lalawigan ng Suwesya at ito ay binubuo ng 49 na mga kabayanan (kommuner). Ang santauhang 1,616,000 ay bumubuo ng 17% ng kabuuan ng santauhan ng Suwesya.[kailangang bahugin] Ang punungbayan at luklukan ng punong-lalawigan ay nasa Gotemburgo. Ang banwahang punungbayan at luklukan ng Sangguniang Lalawigan ng Västra Götaland ay nasa Vänersborg.

Itinatag ang lalawigan noong Enero 1, 1998, kung kailan pinagsama-sama ang mga lalawigang Älvsborg, Gotemburgo at Bohus at Skaraborg.

Lalawigan

baguhin

Ang mga län ng Suwesya ay higit na mahalaga kaysa sa mga sinaunang lalawigan nito. Ang mga län ay ang pangunahing pampangasiwaang lupon sa banwahan at santauhang pagbibilang.

Dahil sa lawak at sa batang gulang nito, ang Lalawigan ng Västra Götaland ay walang pambalanang pamana. Ang mga lalawigang Västergötland, Bohuslän at Dalsland ay may mga kalinangan at makasaysayang kahalagahan. May maliit ding bahagi ng lalawigan ng Halland dito.

Bukod dito, ang mga dating binuwag na lalawigan noong 1998 ay may kahalagahang kalinagan at kasaysayan dahil ito ay nakapamihasaan nang gamitin simula pa noong ika-17 dantaon.

Karatig-pook

baguhin

Ang Lalawigan ng Västra Götaland ay may hangganan sa karatig nitong mga lalawigan ngVärmland, Örebro, Östergötland, Jönköping at Halland. Ito ay may hangganan din sa karatig nitong bansa sa Norwega: lalawigan ng Østfold, mga lawa ng Vättern at Vänern, at ang kipot ng Skagerrak.

Pangasiwaan

baguhin

Ang Västra Götaland itinatag noong 1998 nang pagsamahin ang mga dating lalawigan ng Gotemburgo at Bohus, Älvsborg at Skaraborg. Ang luklukan ng mga Punong-lalawigan o Landshövding ay nasa Gotemburgo, samantalang ang luklukan ng banwahang pangasiwaan at kapangyarihan ay nasa Vänersborg. Ang Punong-lalawigan ay ang pinuno ng Lupong Pampangasiwaan ng Lalawigan o Länsstyrelse.

Banwahan

baguhin

Ang Sanggunian ng Västra Götaland o Västra Götalandsregionen ay isang malayang Sangguniang Lalawigan na kung misan sa isang takdang pagsubok ay pinagkakalooban ng ilang mga katungkulan ng Lupong Pampangasiwaan ng Lalawigan. Kahalintulad ng sangguiang pagsubok na ito ay matatagpuan din sa mga lalawigan ng Skåne at Gotland.

Kabayanan

baguhin
 

Kutamaya

baguhin

Ang kutamaya ng Lalawigan ng Västra Götaland ay ipinagkaloob noong 1998 kung kailan din ito itinatag. Ito ay ang mga pinagsamang kutayama ng lalawigan ng Västergötland, Bohuslän at Dalsland at ang kutayama ng lungsod ng Gotemburgo. Kung ang kutayama ay may putong makahari, kumakatawan ito sa Lupong Pampangasiwaan ng Lalawigan, na siyang may kapangyarihang (makahari) pampamahalaan. Lathala: "Sinangkapat, I. ang kalasag ng Gotemburgo, II. ang kalasag ng Bohuslän, III. ang binaliktad na kalasag ng Dalsland, IV. ang kalasag ng Västergötland."

Sanggunian at tala

baguhin
  1. "Folkmängd i riket, län och kommuner 30 september 2017 och befolkningsförändringar 1 juli–30 september 2017. Totalt". Palaulatang Suweko. Nobyembre 8, 2017. Nakuha noong Nobyembre 19, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.scb.se/en/finding-statistics/statistics-by-subject-area/national-accounts/national-accounts/regional-accounts/

Kawing panlabas

baguhin

Padron:Gotemburgo

58°13′01″N 11°44′00″E / 58.217025°N 11.733398°E / 58.217025; 11.733398