Vårgårda (munisipalidad ng Suwesya)
Ang Munisipalidad ng Vårgårda (Vårgårda kommun) ay isang munisipalidad sa Lalawigan ng Västra Götaland sa kanluraning bahagi ng Suwesya. Ang luklukan nito ay nasa Vårgårda. Karatig nito ang Munisipalidad ng Alingsås sa kanluran, ang Munisipalidad ng Herrljunga sa silangan, ang Munisipalidad ng Essunga sa hilaga, at ang mga kabayanan ng Bollebygd at Borås sa timog.
Munisipalidad ng Vårgårda Vårgårda kommun | ||
---|---|---|
| ||
Bansa | Suwesya | |
Lalawigan | Lalawigan ng Västra Götaland | |
Luklukan] | Vårgårda | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 441.22 km2 (170.36 milya kuwadrado) | |
• Lupa | 426.6 km2 (164.7 milya kuwadrado) | |
• Tubig | 14.62 km2 (5.64 milya kuwadrado) | |
Lawak mula noong Enero 1, 2014. | ||
Populasyon (Disyembre 31, 2018)[2] | ||
• Kabuuan | 11,658 | |
• Kapal | 26/km2 (68/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+1 (OGE) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (OTGE) | |
Kodigo ng ISO 3166 | SE | |
Lalawigan (sinauna) | Västergötland | |
Hudyat pambayan | 1487 | |
Websayt | vargarda.se |
Binuo ang munisipalidad na ito sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga maraming maliliit na kabayanan noong pagbabagong pamahalaang pampook noong 1952. Hinango ang pangalan nito sa tanging pamayanan na may malaking lupain, ang Vårgårda. Ang lupain nito ay hindi nagbago noong 1971.
Maigting ang pagpapanauling pananampalatayang Suweko sa Munisipalidad ng Vårgårda noong ika-19 na dantaon, at ang katayuan ng Kristiyanismo sa kasalukuyan ay nakapangalat sa maraming mga pangkat.
Karamihan ng mga maypagawang may pambansang pagkakakilanlan, tulad ng Autolive, ay matatagpuan sa munisipalidad na ito.
Pamayanan
baguhinAng luklukan ng Vårgårda ay napapagitnaan ng Alingsås at Herrljunga. Ito ang pinakamalaking pamayanan sa kalakhang pook bukiraning ito. Ang Horla at Östadkulle ay dalawa sa iba pang mga pamayanan, na mayroong mamamayang hindi hihigit sa 500 noong 2018.[3]
Sanggunian
baguhin- ↑ "Statistiska centralbyrån, Kommunarealer den 1 januari 2014" (Microsoft Excel) (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Nakuha noong Abril 18, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Folkmängd i riket, län och kommuner 31 december 2018" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Pebrero 21, 2019. Nakuha noong Pebrero 23, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Folkmängd per tätort efter region och vart 5:e år" (sa wikang Suweko). Statistics Sweden. Nakuha noong Agosto 18, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]