Beautiful Strangers

Ang Beautiful Strangers ay isang Plipinong romantikong melodrama na ipinapalabas sa GMA Network na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Lovi Poe kasama sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rocco Nacino, Benjamin Alves at Ayen Munji-Laurel. Sinimulang ipalabas ito noong 10 Agosto 2015 kapalit ng Let the Love Begin sa GMA Telebabad pagkatapos nang Marimar at bago mag My Faithful Husband at pinapalabas din sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Beautiful Strangers
Uri
GumawaGMA Entertainment TV Group
NagsaayosCathy Ochoa-Perez
Isinulat ni/nina
  • Marlon Miguel
  • Glibeys Sardea
DirektorAlbert Langitan
Creative directorRoy Iglesias
Pinangungunahan ni/nina
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng kabanata80
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapKaye Atienza-Cadsawan
SinematograpiyaRommel Santos
Ayos ng kameraMultiple-camera setup
Oras ng pagpapalabas50 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Picture format480i NTSC
Orihinal na pagsasapahimpapawid10 Agosto (2015-08-10) –
27 Nobyembre 2015 (2015-11-27)
Kronolohiya
Sumunod saLet the Love Begin
Website
Opisyal

Lagom baguhin

Isang baguhang plastic surgeon si Kristine. Anak man siya sa labas, sinuportahan naman siya ng kanyang amang si Ronaldo. Kaya naman pursigido siya para maipagmalaki siya nito. Makikilala ni Kristine si Leah, isang taong-grasa na tutulungan niya. Sunog ang balat nito at wala sa tamang pag-iisip. Dahil minsan na din siyang natulungan ni Leah, susuklian niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng normal na buhay: aayusin niya ang panlabas na anyo ni Leah. Ipagagamot din niya si Leah sa psychiatrist para bumalik ang kaliwanagan ng pag-iisip nito.

Ang hindi niya alam, si Leah ay si Joyce na may isang matindi at madilim na koneksyon sa kanyang ama. Minsang nang napagtangkaang gahasain ni Ronaldo si Joyce sa pag-aakalang isa ito sa mga babaeng iniriregalo sa kanya ng kanyang business partners. Dahil nanlaban ang dalaga, mapagbubuhatan niya ito ng kamay at mistulang mapapatay. Ipaliligpit naman ng kanyang asawang si Alejandra ang isa na namang kapalpakan ng kanyang asawa. Ipadadala niya ang kanyang tauhang si Rigor para iligpit ang katawan ni Joyce. Susunugin ni Rigor ang katawan upang hindi ito makilala. Ngunit ngayon ay buhay si Joyce.

Sa pagbabalik ng kanyang alaala, wala siyang ibang hihingin kundi hustisya sa kaapihang sinapit niya. Magagawa nga bang singilin ni Joyce si Kristine na siyang pinagkakautangan niya ng loob? At pagsisisihan nga ba ni Kristine ang pagtulong niya sa dating taong-grasa?

Mga Tauhan baguhin

Mga Pangunahing Tauhan baguhin

Mga Sumusuportang tauhan baguhin

Mga Dinagdag na tauhan baguhin

Mga datos at ranggo baguhin

Kabanata

Bilang

Petsa AGB Nielsen Pilipinas
Mega Manila Households
Datos Ranggo (Primetime) Sanggunian
1 Agosto

2015

10 21.4% #3 [1]
2 11 20.6% #4
3 12 21.0% #4
4 13 21.2% #4 [2]
5 14 19.9% #4
6 17 19.5% #5 [3]
7 18 19.5% #4
8 19 19.1% #6
9 20 19.9% #5
10 21 19.2% #6
11 24 20.9% #4 [4]
12 25 20.0% #4
13 26 20.4% #4
14 27 20.3% #4
15 28 20.2% #4 [5]
16 31 19.7% #5
17 Setyembre

2015

1 20.5% #3 [6]
18 2 20.2% #4
19 3 19.7% #5
20 4 20.3% #4 [7]
21 7 20.1% #4 [8]
22 8 19.5% #3
23 9 20.8% #4
24 10 22.6% #3
25 11 21.5% #4 [9]
26 14 20.1% #4 [10]
27 15 20.5% #4
28 16 20.4% #3
29 17 20.4% #4
30 18 20.4% #4
31 21 20.3% #4 [11]
32 22 17.7% #5
33 23 20.6% #5 [12]
34 24 20.3% #6
35 25 20.3% #5
36 28 18.3% #6
37 29 20.5% #5 [13]
38 30 18.7% #5
39 Oktubre

2015

1 20.5% #5
40 2 17.9% #5
Average

Sanggunian baguhin

  1. Ching, Mark Angelo. "AGB Nielsen Mega Manila Ratings (August 9 12, 2015): On The Wings Of Love defeats Rival; AlDub Near Meeting Pushes Eat Bulaga Rating To More Than Four Times The Rating Of It's Showtime". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-26. Nakuha noong 2015-10-17.
  2. Ching, Mark Angelo. "AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings (August 13 16, 2015):Eat Bulaga gets Record Ratings As AlDub Celebrates Monthsary; My Faithful Husband defeats On The Wings Of Love". www.pep.ph. Nakuha noong 2015-10-17.[patay na link]
  3. Ching, Mark Angelo. "AGB: Eat Bulaga! Yakie Wedding Part 2 Gets No. 1 Rating For 2015". www.pep.ph. Nakuha noong 2015-10-17.[patay na link]
  4. Ching, Mark Angelo. "AGB Mega Manila: Marimar Pilot Beats Record Of Pangako Sa 'Yo". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-11-18. Nakuha noong 2015-10-17.
  5. Ching, Mark Angelo. "AGB Nielsen Mega Manila Ratings (August 28 31, 2015): Sunday Pinasaya Becomes No. 1 Most Watched Program; ASAP Lands On No. 10 Slot". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-10-16. Nakuha noong 2015-10-17.
  6. Ching, Mark Angelo. "AGB: Beautiful Strangers catches Up; Pangako Sa 'Yo Becomes No. 3". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-11-18. Nakuha noong 2015-10-17.
  7. Ching, Mark Angelo. "AGB: Eat Bulaga holds 9 Out Of 10 Highest Rated Episodes In 2015". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-27. Nakuha noong 2015-10-17.
  8. Ching, Mark Angelo. "AGB: Beautiful Strangers & My Faithful Husband Beat PSY And OTWOL". www.pep.ph. Nakuha noong 2015-10-17.[patay na link]
  9. Ching, Mark Angelo. "AGB: Pastillas Girl Did Not Increase Showtime; AlDub Tops Weekend". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-27. Nakuha noong 2015-10-17.
  10. Ching, Mark Angelo. "AGB: Showtime gets Double Digit Ratings With Pastillas Girl". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-27. Nakuha noong 2015-10-17.
  11. Ching, Mark Angelo. "AGB: Showtime slides Back Down To Single Digit Ratings". www.pep.ph. Nakuha noong 2015-10-17.
  12. Ching, Mark Angelo. "AGB: Ang Probinsyano posts Second Highest Rating Pilot In 2015". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-10-06. Nakuha noong 2015-10-17.
  13. Ching, Mark Angelo. "AGB: #ALDUBmeetsTVJ Is Third Most Watched Episode For 2015". www.pep.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-11-20. Nakuha noong 2015-10-17.