Heart Evangelista
Si Love Marie Payawal Ongpauco, (ipinanganak 14 Pebrero 1985), mas kilala sa pangalang Heart Evangelista, ay isang kilalang aktres, mangaawit, modelo at VJ sa Pilipinas.
Heart Evangelista | |
---|---|
First Lady of Sorsogon | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2019 | |
Nakaraang sinundan | Grace Galang Lee Rodrigueza |
Personal na detalye | |
Isinilang | Love Marie Payawal Ongpauco 14 Pebrero 1985 Maynila, Pilipinas |
Asawa | Francis Escudero (k. 2015) |
Alma mater | Colegio San Agustin – Makati |
Trabaho | Aktres, Businesswoman, Artist, Luxury Influencer, Commercial Model |
Taong aktibo | 1998–kasalukuyan |
Ahente | Star Magic (2000–06) Manila Genesis (2006–08) Royal Era Entertainment (2008–10) Viva Artist Agency (2011–2018) GMA Artist Center (2018–kasalukuyan) |
Relihiyon | Romanong Katoliko |
Karera sa musika | |
Genre | Pinoy pop |
Label | Star Records |
Talambuhay
baguhinKabataan
baguhinSiya ay pinanganak noong 14 Pebrero 1985 sa mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco. Siya ang bunso sa pamilya, may isang kuyang nagngangalang Miguel at apat na ate na sila Lisa, Marjorie, Michelle at Camille.
Galing sya sa angkan ng mga Ongpauco na kilala para sa Barrio Fiesta. Ang kanyang tiyuhin na si Rod Ongpauco ang nagpundar ng Barrio Fiesta sa Pilipinas at ang kanyang ama ay nagtayo ng ilang Barrio Fiesta sa San Francisco, USA. Lumaki sya at nagaral sa Estados Unidos bago bumalik ang kanyang pamilya sa Pilipinas noong sya ay nasa ikaapat na baitang.
Karera
baguhinDi maikakailang isa sa mga pinakasikat na batang aktres sa Pilipinas, una syang nadiskubre ng isang commercial agent habang namimili sa mall kasama ang kanyang kapatid na si Camille. Una syang napasali sa Star Magic (dating Talent Center) ng ABSCBN at nakapareha ni John Prats sa palabas na G-Mik. Ang kanilang labtim ni John Prats ay umani ng malawak na kasikatan at nagkaroon sila ng ilang pelikulang magkasama - Trip, Ang Tanging Ina at My First Romance. Sila rin ang nagbida sa sikat na palabas na Berks. Matapos nito ay nawala na ang kanilang relasyon sa likod at harap ng kamera.
Matapos nito, nakapareha naman ni Heart si Geoff Eigenmann sa sikat na panggabing teleseryeng Hiram kung saan nakasama nila si Kris Aquino, Dina Bonnevie, John Estrada at Anne Curtis. Ang teleseryeng ito ay nagbigay kay Heart ng nominasyon sa Star Awards for TV para sa kategoryang Best Actress sa edad na 20.
Naging bida rin si Heart ng isang maaksiyong serye na Ang Panday kasama ang kanyang nobyo sa kasalukuyan na si Jericho Rosales.
Ilan pa sa mga karangalang naabot ni Heart ay ang pagkapanalo sa Best New Female Personality sa parehong Star Awards for TV at Star Awards for Movies. Nanalo rin sya ng texter's at listener's choice awards sa Himig Handog para sa kanyang sikat na kantang, Love Has Come My Way. Naglabas din sya ng kantang Tell Me sa Australia at umani ito ng popularidad doon at umabot sa #18 sa Australian hitcharts.
Sa ngayon ay ang Manila Genesis Entertainment ang namamahala sa kanyang karera matapos siyang hindi muling pumirma sa Star Magic ng ABSCBN.
Matapos ang halos isang taong pagbabakasyon at pagtutok sa paghohost at sa kanyang Heart Can foundation, kailan lang ay muli syang pumirma sa ABSCBN at nakatakdang gumawa ng bagong sineserye at variety show para sa stasyon. Ang kanyang bagong album din ay nakatakdang lumabas sa 2007.
Mga relasyon / Kontrobersiya
baguhinNagkaroon ng relasyon si Heart sa kanyang kalabtim na si John Prats. Matapos ito ay nasabing nagkaroon sya ng relasyon sa isang anak ng sikat na politiko. Kinumpirma ni Heart ang mga bagay na ito. Naugnay din sya sa aktor na si John Lloyd Cruz pero sinabi ni Heart na hindi sila naging magkasintahan pero lumabas sila sa ilang mga pagkakataon na magkasama. Naugnay din sya kay Geoff Eigenmann dahil sa kanilang teleseryeng pinagsamahan pero nasabing hindi totoo ang mga usap usapang ito.
Isang isyung kanyang kinasangkutan ay kasama ang mas matandang aktor na si John Estrada na nakatrabaho niya sa teleseryeng Hiram. Nasabing sinubukan daw siyang isamang pauwi ni John Estrada mula sa isang bar. Si John, na may ilang mga anak mula sa dating asawa, ay nagsabing walang ganung nangyari at si Heart naman ay pinabulaanan ang usap usapan na nagkaroon sila ng relasyon noon at sinabing hindi na sya magsasalita pa sa isyu "bilang respeto sa mga anak ni John."
Sinabi rin ni Heart na ang mga isyung ito ay hindi nakasira ng relasyon nila ni Jericho. Kailan lang din ay naayos na ang gusot sa pagitan ni Jericho at John Estrada na nagugat sa isyung nabanggit. Nagkabati sila sa isang salo-salo ng mga taong kilala sa showbiz.
Relihiyon / Charity
baguhinMula noong umpisa ng taong 2006, naging mariin si Heart sa pagsasabing siya ang nagpalit ng relihiyon mula sa pagiging Katoliko sa isang Born Again na Kristyano. Dumadalo siya sa Victory Christian Fellowship. Binanggit niya rin na ang kanyang pagpapalit ng relihiyon ay isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipat mula sa malaki at malakas sa Star Magic papunta sa mas maliit na Genesis.
Mula noong Setyembre 2006, nagkaroon si Heart ng mas makataong papel dahil sa pagpupundar niya ng Heart Can, isang foundation na naglalayong tumulong sa mga kabataang may respiratory disease na katulad niya. Ang Heart Can foundation ay nagdadala sa kanya sa serye ng mga mall shows at naglagay ng mga lata para sa donasyon sa mga kilalang establisyamento para makapagipon ng pera para sa mga kabataang nilalayong tulungan ng charity.
Bagamat ang paglipat niya mula sa Star Magic at Genesis ay nagdulot na bumaba ang dami ng kanyang proyekto at popularidad, sinabi ni Heart na wala syang pagsisi dahil kinailangan niya talaga ang spiritwal na pagpapayong maibibigay ng Genesis sa kanya. Sinabi rin niya na masaya siya sa kanyang buhay ngayon dahil hindi lang panay trabaho ang kanyang inaatupag kundi ang tunay na buhay na rin sa likod ng kamera.
Talaan ng mga proyektong nilabasan
baguhinTelebisyon
Taon | Title | Role | Network |
2009 | Full House | Jessie | GMA Network |
2009 | Sine Novela Presents: Ngayon At Kailanman | Ayra Noche-Torres | GMA Network |
2009 | Fashionistas By Heart | Host | Q |
2008-2009 | Luna Mystika | Luna Sagrado-Samaniego & Celestina Sagrado | GMA Network |
2008 | Dear Friend: Edison at Anna | Anna | GMA Network |
2008 | Codename: Asero | Emily San Juan | GMA Network |
2008*April-present | SOP Rules | Co-Host/Performer | GMA Network |
2008 | Your Song: Muntik Na Kitang Minahal (all Sundays of February) | Arah | ABS-CBN |
2007 | Your Song: Sana Ngayong Pasko | Melanie | ABS-CBN |
2007 | Pangarap Na Bituin | Cassie/Cassandra Salcedo | ABS-CBN |
2007 | Sineserye Presents: Hiram na Mukha | Carissa De Leon & Alicia Roldan | ABS-CBN |
2007 | Maalaala Mo Kaya: Singsing | Kaye Chua | ABS-CBN |
2007 | Your Song: With You | Aschelle | ABS-CBN |
2006 | Your Song: Ngayong Gabi | Missy | ABS-CBN |
2006 | Philippine Idol | Host | ABC (TV5) |
2006 | Maalaala Mo Kaya: Lampara | Maricel | ABS-CBN |
2006 | Your Song: Wish | Ria | ABS-CBN |
2006 | Close Up To Fame Season 2 | Host | ABS-CBN |
2006 | Panday :Book 2 | Eden & Camia | ABS-CBN |
2005 | Panday :Book 1 | Eden | ABS-CBN |
2005 | Maalaala Mo Kaya: Painting | Emily Roxas | ABS-CBN |
2005 | Close Up To Fame Season 1 | Host | ABS-CBN |
2004 | A.S.A.P. Fanatic | Host | ABS-CBN |
2004 | Hiram | Margaret Benipayo | ABS-CBN |
2003 | Maalaala Mo Kaya: Ferry Boat | Danne | ABS-CBN |
2003 | Ang Tanging Ina | Portia/Por | ABS-CBN |
2003 | Okay Fine Whatever | Yoko | ABS-CBN |
2003 | Maalaala Mo Kaya: Flat Tire | Lei | ABS-CBN |
2003 | Wansapanataym: Thumbgelina | Liit/Laki | ABS-CBN |
2002 | Maalaala Mo Kaya: Sanggol | ABS-CBN | |
2002 | Berks | Gwyneth | ABS-CBN |
2002 | Arriba Arriba | Monina Arriba | ABS-CBN |
2002-2007 | Myx | Vj Heart | MYX/STUDIO 23 |
2002-2006 | A.S.A.P. | Co-Host/Performer | ABS-CBN |
2002 | Da Pilya En Da Pilot | Heart | ABS-CBN |
2001 | Maalaala Mo Kaya: Exchange Gift | Irene Acosta | ABS-CBN |
2001 | Maalaala Mo Kaya: Burda | Jenny Castaneda | ABS-CBN |
2001 | Da Body En Da Guard | Heart | ABS-CBN |
2001 | G-Mik | Missy | ABS-CBN |
Pelikula
Taon | Titulo | Karakter na ginampanan |
2004 | Bcuz of U | Cara |
2003 | My First Romance | Jackie ("One Love" Episode) |
2003 | AngTanging Ina | Portia/Por |
2002 | Jologs | Coffee Shop Passerby (cameo role) |
2001 | Trip | Faye |
Music videos
baguhinTaon | Awit | Album |
2003 | One | Heart |
2002 | Love Has Come My Way | Himig Handog Love Songs |
Diskograpiya
baguhinTaon | Album |
2007 | (coming soon) |
2003 | My First Romance OST |
2003 | Heart |
2002 | Himig Handog Love Songs |
Mga parangal na natanggap
baguhinTaon | Parangal sa pagganap/Kritiko | Parangal na natanggap |
2006 | FHM Philippines 100 Sexiest Women | Rank #15 |
2005 | FHM Philippines 100 Sexiest Women | Rank #6 |
2004 | FAMAS Awards | German Moreno Youth Achievement Award |
2004 | Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation | Princess of RP Movies |
2004 | FHM Philippines 100 Sexiest Women | Rank #16 |
2003 | Awit Awards | Best Performance by a New Female Artist (Love Has Come My Way) |
2003 | Asia Pacific Excellence & Handog Kay Ina Awards | Youth Achiever for Arts & Entertainment |
2003 | Ivan Entertainment Productions: Circle of 10 Modeling Agency | Celebrity Endorser of the Year |
2003 | Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation | Most Popular Love Team of RP Movies |
2003 | Candy Rap Awards | Best Dressed Personality |
2003 | Album | Platinum Award (Himig Handog Love Songs Album) |
2002 | Himig Handog Lovesongs 2002 | Listener's Choice Award (Love Has Come My Way) |
2002 | Himig Handog Lovesongs 2002 | Texter's Choice Award (Love Has Come My Way) |
2001 | Star Awards | Best New Female Personality (TRIP) |