Kris Aquino

Filipinang Aktres

Si Kristina Bernadette Aquino-Yap (ipinanganak bilang Kristina Bernadette Cojuangco Aquino noong 14 Pebrero 1971 sa Lungsod Quezon), o mas kilala bilang Kris Aquino, ay isang Pilipinang tagatanghal sa telebisyon, tagapamahala ng talento, prodyuser, at aktres sa telebisyon at mga pelikula. Kapansin-pansing lumabas siya bilang si Prinsesa Intan sa pelikulang Crazy Rich Asians, at tumatanggap ng 42 Gawad PMPC Star Awards para sa Telebisyon, 10 Gawad Golden Screen at isang Gawad FAMAS. Siya ang panlima at bunsong anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr..[1][2][3]

Kris Aquino
Kapanganakan
Kristina Bernadette Cojuangco Aquino

(1971-02-14) 14 Pebrero 1971 (edad 54)
TrabahoAktres
AsawaJames Yap (k. 2005–12)
Anak2

Unang nakilala si Aquino sa mga welga laban sa pamahalaang Marcos lalo na nang sumikat ang kanyang ina sa politika. Nang napatalsik si Ferdinand Marcos noong 1986, pinasok niya ang showbiz. Nagsimula siya sa mga guest spots sa mga drama at komedya sa telebisyon, maging ang mga talk shows. Ang unang pelikula niya ay ang Pido Dida kasama si Rene Requiestas, isang aktor ng komedya.

Naging nominado siya para sa pelikulang The Fatima Buen Story. Kasama rin siya sa pelikulang The Vizconde Massacre. Ang pagtabo sa takilya at sunod-sunod na mga pelikula ukol sa mga massacre ang nagbigay sa kanya ng bansag na "Massacre Queen" ng ilang showbiz reporters.

Nang bumagal na ang kanyang career sa paggawa ng pelikula, pinasok niya ang telebisyon bilang isang talk show host. Pagkaraang magkaroon ng dalawang talk shows, kinuha siya ng ABS-CBN at pinangunahan ang Today with Kris Aquino. Naging host din siya ng Morning Girls, The Buzz, Pilipinas, Game Ka Na Ba? at Kapamilya, Deal or No Deal. Naging host din siya ng Wheel of Fortune. Sa kasalukuyan, siya ay gumaganap na Celine Crisanto sa teleseryeng Kung Tayo ay Magkakalayo. Isa rin siya sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent.

Pelikula

baguhin

Telebisyon

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "33rd Star Awards for Television names TV Queens; PMPC bares nominees". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Mayo 2025.
  2. "POST-SCRIPT: Kris Aquino's true Hollywood story". Philippine Star (sa wikang Ingles). 28 Abril 2017. Nakuha noong 13 Mayo 2025.
  3. "6th Golden Screen TV Awards nominees bared; Angel Locsin, Marian Rivera snubbed for Best Actress". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Mayo 2025.