Si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang Bentong (Enero 12, 1964 - Pebrero 9, 2019) ay isang komedyante mula sa Pilipinas. Siya ay naging talento ng ABS CBN Network.

Bentong
Si Bentong bilang "Macoy" sa pelikulang Shake, Rattle & Roll XV noong 2014
Kapanganakan
Domingo Vusotros Brotamante Jr.

12 Enero 1964(1964-01-12)[1]
Kamatayan9 Pebrero 2019(2019-02-09) (edad 55)[1]
NasyonalidadPilipino
TrabahoArtista
AhenteStar Magic
TelebisyonWowowee, Magandang Tanghali Bayan
AsawaCecille Bernal[4]
Anak4[5]

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Bentong sa Tabaco, Albay noong Enero 12, 1964.[2] Bago maging artista, siya ay nasa likod ng kamera bilang nagdedekorasyon ng set at nag-oopera ng crane.[6] Bukod doon, naging kawani sa produksyon (production assistant) din siya sa ABS-CBN.[7] Hanggang binigyan siya ni Willie Revillame ng pambihirang pagkakataon na pumasok sa kanyang programa[2] at nang naglaon, lumabas siya bilang katuwang na host ni Revillame sa kanyang mga variety show, partikular ang Wowowee.[8]

Bagaman noon pa man dekada 1990, lumalabas na siya sa mga pelikula. Ang una niyang paglabas sa pelikula ay sa pelikula ni Dolphy na Home Along da Riles da Movie bilang tagapagmaneho ng karakter ni Cita Astals[9] at naka-kredito siya bilang Boyet Rotamente. Kabilang sa iba pang mga pelikulang nilabasan niya ang Jologs (2002), The Adventures of Pureza: Queen of the Riles (2011) at Shake Rattle & Roll XV (2014).[8][9] Bukod sa mga variety show sa telebisyon, lumabas din siya sa iba't ibang seryeng pantelebisyon. Isa na dito ang pagbida bilang si Mang Jules sa seryeng komedyang pangkabataan na Luv U.[8][9] Kabilang sa ilan pang mga palabas sa telebisyon na lumabas siya ang Toda Max, Home Along Da Riles[10] at Ariba! Ariba!.

Noong Pebrero 9, 2019, dinala si Bentong sa isang ospital sa Lungsod Quezon dahil sa atake sa puso dulot ng komplikasyon ng diabetes.[4] Noong mga 5:00 ng madaling araw, idineklarang patay na siya nang dumating sa ospital.[3]

Pilmograpiya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Comedian 'Bentong' passes away". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Pebrero 9, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Eusebio, Aaron Brennt (Pebrero 9, 2019). "IN PHOTOS: The rise, fall, and rise of comedian Bentong". gmanetwork.com (sa wikang Ingles at Tagalog). GMA Network. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Orellana, Faye (Pebrero 11, 2019). "Family to open Bentong's wake to public for limited time". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Jazul, Noreen (Pebrero 9, 2019). "Comedian 'Bentong' passes away at 55". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. "Comedian Bentong dies at 55". Rappler (sa wikang Ingles). Pebrero 9, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Komedyanteng si Bentong, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'". gmanetwork.com. GMA Network. Agosto 28, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Orellana, Faye (Pebrero 9, 2019). "'Bentong' passes away at 55". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 "Comedian 'Bentong' dead at 55". CNN Philippines. Pebrero 9, 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 11, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 Villan, Tyne (Pebrero 9, 2019). "Remembering Bentong: 5 of his memorable movies and television shows". Nakuha noong Pebrero 11, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Comedian 'Bentong' passes away". ABS-CBN News. Pebrero 9, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)