Si Bentot (Arturo Vergara Medina sa tunay na buhay) ay isang komedyanteng artistang Filipino noong dekada 1950 hanggang dekada 1970. Isinilang siya noong Hulyo 13, 1927 kay Ginang Leoncia Vergara. Siya ang ama ng dating batang actor na si Bentot Jr. Nagsimula siya noon sa pangalang Ben Cosca ngunit di naglaon ay pinalitan niya ng Bentot dahil sa ginagampanan niyang tauhan na matanda na ngunit isip bata pa sa kanyang mga pelikula.

Bentot
Kapanganakan1928
  • (Pampanga, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan1986
MamamayanPilipinas
Trabahokomedyante, artista
AnakBentot Jr.

Unang sumabak sa pelikulang Maria Kapra ni Angel Esmeralda at Batas ng Daigdig ni Linda Estrella na pawang gawa ng Sampaguita Pictures subalit di siya para sa naturang kompanya ang kanyang destinasyon ay LVN Pictures kung kaya't maraming pelikula nila ni Pugo na tumabo ng husto sa takilya na di naglaon ay naging TV Sitcom pa.

Ginawa niya ang unang pelikula sa LVN Pictures ang Phone Pal nina Manding Claro at Nenita Vidal. Sa Larangan ng pagsasaplaka sa kanyang edad nakuha pa niyang magsaplaka noong 1978 sa awiting Jeprox na nag-click sa mga tao.

Pumanaw si Bentot noong Hunyo 29, 1986 sa gulang na 58.

Pelikula

baguhin

Diskograpiya

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.