Bernardito Auza

Si Bernardito Cleopas Auza ay isang Pilipinong prelado ng Simbahang Katolika. Siya ay kasalukuyang Apostolikong Nunsyo sa Espanya, itinalaga sa posisyon na iyon noong Ika-1 ng Oktubre, 2019. Bago ito, siya'y nagsilbi siya sa ilalim ng serbisyong diplomatiko ng Banal na Luklukan, pati na rin ang pagiging Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa mula 2014 hanggang 2019.[1]

Ang Lubhang Kagalang-Galang
 Bernardito Cleopas Auza
Apostolikong Nunsyo sa Espaniya
Arsobispo Bernardito Auza
Panunungkulan1 Oktubre 2019–kasalukuyan
HinalinhanRenzo Fratini
Mga orden
Ordinasyon29 Hunyo 1985
Konsekrasyon3 Hulyo 2008
ni Tarcisio Bertone
Mga detalyeng personal
Kapanganakan (1959-06-10) 10 Hunyo 1959 (edad 62)
Talibon, Bohol, Pilipinas
KabansaanPilipino
DenominasyonKatolikong Romano
MottoUT DILIGATIS INVINCEM
("Magmahalan sa isa't isa.")
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}

Unang bahagi ng talambuhayBaguhin

Isinilang si Auza noong Ika-10 ng Hunyo, 1959 sa Balintawak, Talibon, Bohol, Pilipinas,[2] ikawalo sa mga labindalawang anak nina Meliton Garcia Auza at Magdalena Polestico Cleopas. Pagkatapos ng paunang edukasyon sa Talibon, siya'y pumasok sa Seminaryo ng Kalinis-linisang Puso ni Maria sa Lungsod ng Tacloban. Pagkatapos pumasok siya sa Pamantasan ng Santo Tomas, Maynila, na nakamit niya ng kanyang Lisensyado sa Pilosopiya noong 1981, Lisensyado sa Teolohiya noong 1986, at Pantas sa Edukasyon noong 1986 din.[3]

Inordenan si Auza bilang isang pari ni Obispo Daniel Francis Walsh ng Katolikong Romanong Diyosesis ng Santa Rosa sa California noong Ika-29 ng Hunyo, 1985.

Sa Pamantasang Pampuntipika ng Santo Tomas Aquino (Angelicum), nakamit niya ang Lisensyado sa Batas-Kanon noong 1989 at Paham sa Banal na Teolohiya noong 1990. Siya ay pumasok sa Pampuntipikang Akademiyang Pang-Eklesiyastika bilang paghahanda para sa tungkuling diplomatiko.[3]

Siya ay pumasok sa serbisyong pandiplomatiko ng Banal na Luklukan noong Ika-1 ng Hunyo, 1990 at nagtrabaho sa Madagaskar at ang Karagatang Timog Indiyano (1990–93), Bulgariya (1993–96), Albaniya (1997–98), ang Kalihiman ng Estado sa Seksyon para sa Mga Kaugnayan sa Mga Estado (1999–2006), at ang Palagiang Misyon ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa (2006–08).[2]

Apostolikong NunsyoBaguhin

Noong Ika-8 ng Mayo, 2008, ipinangalan ni Papa Benedicto XVI si Auza Arsobispong Titular ng Suacia at Apostolikong Nunsyo sa Hayti.[2] Siya ay kinonsagrahan bilang obispo noong Ika-3 ng Hulyo, 2008 ng Kardinal Tarcisio Bertone, Kalihim ng Estado.[4]

Noong Ika-2 ng Hulyo, 2014, itinalaga siya ni Papa Francisco bilang Palagiang Tagamasid sa Mga Nagkakaisang Bansa sa Bagong York na kumakatawang Banal na Luklukan.[5] Noong ika-16 ng Hulyo, ang kanyang mga responsibilidad ay lumawak upang upang isama ang tungkulin bilang Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Samahan ng mga Estadong Amerikano (OAS).[6]

Ang tuntunin ng batas ay dapat na "kapwa may katwiran at moral na nakabatay sa malalaking mga prinsipyo ng katarungan, kasama na ang hindi matatawarang dignidad at halaga ng bawat tao bago ang anumang batas o pinagkasunduan sa lipunan,” sabi ni Arsopispo Auza, ang nunsyo, sa isang pahayag na ginawa sa panahon ng pagpupulong ng lupon sa Pangkalahatang Pagtitipon ng Mga Nagkakaisang Bansa. “Bilang kinahinatnan ng pagkilala sa dignidad na ito, ang mga elemento ng pangunahing katarungan tulad ng paggalang sa prinsipyo ng pagkaligal,” ani ni Arsobispo Auza, “ang pagpapalagay ng kawalang-sala at ang karapatan sa angkop na proseso.” Sa mga bansa, idinagdag niya, ang tuntunin ng batas ay dapat na nangangahulugan “ang pinakamahalagang paggalang sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay ng mga karapatan ng mga bansa; at paggalang sa pandaigdigang batas pangkaugalian, mga kasunduan ... at iba pang mga mapagkukunan ng pandaigdigang batas. Ang kahulugan na ito, kasama ang sangguniang pagtutok sa likas na batas, ay tumabi sa mga sangguniang tumutukoy sa sariling sanggunian at dinuduong ang pag-aangkop ng tuntunin ng batas sa loob ng panghuli at mahahalagang hangarin ng lahat ng batas, lalo na upang itaguyod at garantyahin ang dignidad ng tao at ang kabutihang panlahat.”[7]

Sa parehong talumpati ay nabanggit niya ang pag-asa ng Batikana na "ang nakakaalarma, lumalaking kababalaghan ng internasyonal na terorismo, bago sa ilan sa mga pagpapahayag nito at lubos na walang awa sa kanyang kabastusan, ay isang okasyon para sa isang mas malalim at mas kagyat na pag-aaral sa kung paano ipatupad muli ang pandaigdigang panghukumang balangkas ng isang maraming panig na aplikasyon ng ating karaniwang responsibilidad upang isanggalang ang mga tao mula sa lahat ng uri ng hindi makatarungang pananalakay."[8]

Ang kanyang pagtatalaga sa OAS ay nagtapos noong Ika-31 ng Agosto, 2019.[9]

Itinalaga siya ni Papa Francisco bilang apostolikong nunsyo sa Espanya at sa Andora noong Ika-1 ng Oktubre, 2019[10]

Tingnan dinBaguhin

Mga talasanggunianBaguhin

  1. "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 01.10.2019" (Inilabas sa midya). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Nobyembre 2019.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Rinunce e nomine, 08.05.2008" (Inilabas sa midya) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 8 Mayo 2008. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
  3. 3.0 3.1 Gaggliarducci, Andrea (11 Hulyo 2014). "Bagong Tagamasid ng Mga Nagkakaisang Bansa mula Batikana Haharapin ang Pangunahing Hamon". Pambansang Rehistrong Katoliko. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
  4. "Homiliya ni Kardina Bertone sa pagtatalagang episkopal nina Arsobispong Vacchelli at Auza". Agenzia Fides. 7 Hulyo 2008. Nakuha noong 25 June 2019.
  5. "Rinunce e nomine, 02.07.2014" (Inilabas sa midya) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 2 Hulyo 2014. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
  6. "Rinunce e nomine, 16.07.2014" (Inilabas sa midya) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 16 Hulyo 2014. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
  7. "Ang nunsyong Batikano nakiusap sa Mga Nagkakaisang Bansa na magtaguyod ng kahulugan ng 'tuntunin ng batas'". Catholic Herald. 15 Oktubre 2014. Nakuha noong 14 Disyembre 2016.
  8. "Pahayag ni Arsobispo Auza sa Ika-69 na Sesyon ng Pangkalahatang Pagtitipon ng UN, Bagog York". Zenit News Agency. 21 Oktubre 2014. Nakuha noong 14 Disyembre 2016.
  9. "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 31.08.2019" (Inilabas sa midya). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 31 Agosto 2019. Nakuha noong 31 Agosto 2019.
  10. "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 01.10.2019" (Inilabas sa midya). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Nobyembre 2019.
Mga titulo ng Simbahang Katoliko
Inunahan ni:
Richard Pates
Arsobispong Titular ng Suacia
2008–kasalukyan
Kasalukuyan
Diplomatic posts
Inunahan ni:
Mario Giordana
Apostolikong Nunsyo sa Hayti
2008–2014
Sinundan ni:
Eugene Nugent
Inunahan ni:
Francis Assisi Chullikatt
Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa
2014–2019
Sinundan ni:
Gabriele Giordano Caccia
Inunahan ni:
Renzo Fratini
Apostolikong Nunsyo sa Espaniya
2019–kasalukuyan
Kasalukuyan