Ang Bibi ng Lawa (Oxyura vittata) ay isang maliit na bibing may matigas na buntot sa Timog Amerika. Ito ay tinatawag ding Bughaw na tuka ng Arhentina, Bibi ng Lawa ng Arhentina, o Mapulang Bibi ng Arhentina. Matatagpuan ang Bibi ng Lawa sa Arhentina, Tsile, at Brasil sa katimugan ng Timog Amerika.[1]

Bibi ng Lawa
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Espesye:
O. vittata
Pangalang binomial
Oxyura vittata
(Philippi, 1860)
Mga babaeng bibi ng lawa

Kilala ito sa pagkakaroon, kaugnay ng haba ng katawan, ng pinakamahabang titi sa lahat ng mga naguguluguran; ang titi, na nakapulupot habang nasa kalagayang malambot, ay maaaring umabot hanggang sa bandang kahalintulad na haba ng hayop mismo kapag buumbuo ang pagtayo, subalit mas karaniwang nasa bandang kalahati ng haba ng ibon.[2][3] Mayroong isang teoriya na ang hindi pangkaraniwang sukat ng matinik na titi na may bahalibong dulo ay maaaring nabuo dahil sa ebolusyon bilang tugon sa pangangailangang pangtagisan sa mga ibong ito na napaka hindi mapili at hindi maselan sa pakikipagtalik, na tinatanggal ang esperma mula sa nauunang mga pakikipagtambalan at pagtatalik sa paraan ng eskobang pambote.

Bagaman karamihan sa mga lalaking ibon ay walang titi,[4] ang mga bibi ay mayroon isang mahabang tirabuson (tribuson), at mga babae ay mayroong isang mahabang puking tirabuson, na pumipilipit na papunta sa kabilang direksiyon.[5] Ang mga lalaki ay kadalasang sumusubok na pilitin ang kopulasyon, ngunit ang kumplikadong heometriya ng pagtatambalan ay nagpapahintulot sa mga babae na makapagpanatili ng pagtaban — karamihan sa iginiit na mga kopulasyon ay hindi nagreresulta sa matagumpay na pertilisasyon.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 BirdLife International (2009). "Oxyura vittata". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2011.1. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McCracken, Kevin G. (2000). "The 20-cm Spiny Penis of the Argentine Lake Duck (Oxyura vittata)" (PDF). The Auk. 117 (3): 820–825. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-07-05. Nakuha noong 2012-02-04.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. McCracken, Kevin G.; Wilson, Robert E.; McCracken, Pamela J.; Johnson, Kevin P. (2001). "Sexual selection: Are ducks impressed by drakes' display?" (PDF). Nature. 413: 128. doi:10.1038/35093160. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-09-07. Nakuha noong 2012-02-04.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Found! The longest bird penis ever › News in Science (ABC Science)
  5. "Duck genitals locked in arms race | COSMOS magazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-25. Nakuha noong 2012-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brennan, Patricia L. R.; Prum, Richard O.; McCracken, Kevin G.; Sorenson, Michael D.; Wilson, Robert E.; Birkhead, Tim R. (2 Mayo 2007). "Coevolution of Male and Female Genital Morphology in Waterfowl". PLoS ONE. 2 (5): e418. doi:10.1371/journal.pone.0000418.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.