Bibing Peking
Ang bibing Peking o patong Peking ay isang ulam na bibi mula sa Beijing (Peking)[a] na inihahanda magmula pa noong panahon ng imperyo. Kilala ito dahil sa manipis at malutong na balat, at kapag awtentiko ito, balat ang karamihan ng inihahain, kaunti lamang ang laman, at hinihiwa ng kusinero sa harapan ng mga kumakain. Ang mga bibing sadyang inaalagaan para sa lutuing ito ay kinakatay pagkaraan ng 65 araw at tinitimplahan bago litsunin o hurnuhin sa loob ng hurnuhang sarado o kulong. Kalimitang kinakain ang karne nito na may kasamang dahon ng sibuyas, pipino at sarsang tianmian, at binabalutan ng spring pancake ang mga palaman. Minsan nilalagyan din ito ng inatsarang labanos. Isang baryasyon ng lutuing ito ang kilala bilang xiang su ya (lit. malutong na aromatikong bibi) na sikat sa Reyno Unido.
Bibing Peking | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 北京烤鴨 | ||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 北京烤鸭 | ||||||||||||||
Kahulugang literal | inihaw na pato ng Beijing | ||||||||||||||
|
Kasaysayan
baguhinAng artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Nililitson ang mga bibe sa Tsina magmula noong mga Dinastiya sa Katimugan at Hilaga.[1] Inihanda ang isang baryasyon ng litsong bibe para sa Emperador ng Tsina sa Dinastiyang Yuan. Nabanggit ang ulam na orihinal na pinangalanang "shāo yāzi" (燒鴨子), sa manwal na Mga Kumpletong Resipi para sa Pagkain at Inumin (飲膳正要) noong 1330 ni Hu Sihui (忽思慧), isang inspektor ng kusinang imperyal.[2][3] Ganap na nilinang ang bibing Peking na kilala natin ngayon sa pahuling bahagi ng Dinastiyang Ming,[1][4][5] at mula noon ay, naging isa ito sa mga pangunahing ulam sa mga menu ng korteng imperyal.[6] Itinatag noong 1416 ang unang restorang nagdalubhasa sa bibing Peking, Bianyifang, sa Xianyukou, malapit sa Qianmen ng Beijing.[7]
Talababa
baguhin- ↑ Bibing Peking, na mas kilala ng mga lokal sa pangalang Bibing Beijing o Nilitsong Bibing Beijing dahil dating kilala ang kabisera ng Tsina sa pangalang Peking, isang romanisasyong postal ng Mandarin, bago sumikat ang sistema ng romanisasyong Pinyin noong dekada 1980. Chinatown Connection 2005. Nakuha noong 18 Mayo 2010.
Talsanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "品味北京五大百年名吃" [Mga 500 taong gulang na pagkain ng Beijing]. Xingchen Food Network (sa wikang Tsino). China News Information Centre. 22 Setyembre 2006. Nakuha noong 10 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "北京特產" [Mga Espesyalidad ng Beijing] (sa wikang Tsino). Xinhua. 8 Abril 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Nobyembre 2007. Nakuha noong 10 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Slicing through the secrets of Peking Duck" [Paghiwa sa mga sikreto ng Bibing Peking] (sa wikang Ingles). Adelaide Review. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2006. Nakuha noong 10 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Peking duck" [Bibing Peking] (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica.
- ↑ "A Cultural Classic: Peking Duck" [Isang Klasiko sa Kultura: Bibing Peking] (sa wikang Ingles). Globe Trekker. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-17. Nakuha noong 2023-05-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of the Peking Duck" [Kasaysayan ng Bibing Peking] (sa wikang Ingles). SilkRoad. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2007. Nakuha noong 10 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zhang, Jackie (29 Hunyo 2007). "New locations for Qianmen's traditional restaurants" [Mga bagong lokasyon para sa mga tradisyonal na restoran ng Qianmen]. Beijing Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2008. Nakuha noong 10 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)