Pagbabago ng gene sa pamamagitan ng CRISPR

(Idinirekta mula sa Binagong sanggol)

Ang pagbabago ng gene sa pamamagitan ng CRISPR (binibigkas na /ˈkrispər/ "crisper", na akronimo para sa "Clustered Regularly Interspaced Short Palindromic Repeats") ay isang pamamaraan ng inhenyerang henetiko sa biyolohiyang molekular kung saan binabago ang henoma ng mga buhay na organismo. Batay ito sa isang simpleng bersiyon ng bakteryal na CRISPR-Cas9 sistemang pandepenseng antibiriko. Sa paghahatid ng nukleyesang Cas9 kasama ng isang sintetikong gabay na RNA (gRNA) sa isang selula, maaaring putulin ang henoma ng isang selula sa ninais na lokasyon na pumapayag sa mga gene na maalis o maidagdag nang in vivo (sa mga buhay na organismo).[1]

CRISPR-Cas9

Ito ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng biyoteknolohiya dahil maaaring mabago ang mga henoma na in vivo na may labis na katumpakan, kadalian at kamurahan. Magagamit ito sa paglikha ng maraming mga bagong medisina, mga produktong agrikulutural, at mga organismong henetikong binago o bilang pagkontrol sa mga patoheno at mga peste. Ito ang nagbigay ng Gantimpalang Nobel kina Jennifer Doudna at Emmanuelle Charpentier sa Kimika noong 2020. May mga posibilidad ito para sa paggamot ng mga sakit na henetiko gaya ng mga mutasyong somatiko gaya ng kanser.[2][3] Nakamit ang ikatlong pangkat ng mananaliksik ang Gantimpalang Kavli para sa parehong pagkakatuklas [4] na pinangunahan ni Virginijus Šikšnys.[5][6][7]

Dinesenyong sanggol

baguhin
 
Proseso ng isang pre-implantasyong henetikong diyagnostiko. Kinakasangkutan ang pertilisasyong in vitro ng aliman sa inkubasyon ng magkasamang esperma at obosito o itlog ng babae, o direktang pagpapasok ng esperma sa obosito. PCR - polymerase chain reaction, FISH - fluorescent in situ hybridisation.

Ang isang dinesenyong sanggol ay isang sanggol na binago ang gene kabilang ang pag-aalis dito ng isang partikular na gene na nauugnay sa isang sakit.[8] Nangyari ito noong 2019 nang ipanganak ang kauna-unahan sa kasaysayan ng sangkatauhan ang dinesenyong kambal na sanggol na sina Lulu at Nana sa Tsina. Nagkaroon ang mga binagong bilig nina Lulu at Nana ng malawak na kritisismo.[9]

Ang pagdating ng teknolohiya sa pagbago ng gene sa pamamagitan CRISPR-Cas9 ay humantong sa posibilidad na lumikha ng "disenyong sanggol." Ang teknolohiyang ito ay may posibilidad na alisin ang ilang mga henetikong sakit, o pagpapabuti ng kalusugan sa pamamagitan ng pagpapahusay ng ilang mga henetikong katangian.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 2014: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
  2. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  3. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  4. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  5. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  6. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  7. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia. (sa Litwano)
  8. Veit, W. (2018). Procreative Beneficence and Genetic Enhancement – KRITERION – Journal of Philosophy 32(1):75-92. https://doi.org/10,,,j.k5113, BMJ, 30 Nobyembre 2018 pp. k5113 (sa Ingles)
  9. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.