Ang mga Bolshebik (Ingles: mga Bolshevik) o Bolshebista (Ruso: большевики, na nagiging большевик kapag isahan; bigkas sa wikang Ruso: [bəlʲʂᵻˈvʲik], na hinango sa bol'shinstvo, ang "mayoridad" o ang "nakakarami") ay isang paksiyon ng Marksistang Rusyanong Sosyal na Demokratikong Manggagawang Partido (Russian Social Democratic Labour Party) o RSDLP na nawalay mula sa paksiyong Menshebik sa Ikalawang Partidong Kongreso noong 1903.

Ang mga Bolshebik ang mayoridad na paksiyon sa isang mahalagang boto, kaya eto ang pangalan nito. Sila ay naging Partidong Komunista ng Unyong Sobyet. Ang mga Bolshebik ay umakyat sa kapangyarihan noong yugto ng Oktubreng Rebolusyon nang Rebolusyong Rusyano noong 1917 at nagtatag ng Rusyanong Sobyet na Pederatibong Sosyalistang Republika na kalaunan noong 1922 ay naging pangunahing konstituente ng Unyong Sobyet.

Ang Bolshebik na itinatag ni Vladimir Lenin ay noong 1905 isang masang organisasyon na pangunahing binubuo ng mga manggagawa sa ilalim ng demokratikong panloob na hierarka na pinangangasiwaan ng prinsipyo ng demokratikong sentralismo na tumuring sa kanilang mga sariling mga pinuno ng rebolusyonaryong manggagawang klase ng Rusya. Ang kanilang mga paniniwala at pagsasanay ay karaniwang tinutukoy na Bolshebismo. Ang rebolusyonaryong pinunong si Leon Trotsky ay karaniwang gumagamit ng mga terminong "Bolshebismo" at "Bolshebista" pagkatapos ng kanyang pagkakatapon mula sa Unyong Sobyet upang ibukod sa kanyang nakita na tunay na Leninismo at ang rehimen sa loob ng estado at sa partidong lumitaw sa ilalim ni Joseph Stalin.


TaoUnyong SobyetKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Unyong Sobyetiko at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.