Breadboard
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang breadboard ay isang pundasyon ng konstruksyon para sa paglikha ng prototype ng elektronika. Noong simula, ito ay isang literal na tabla para sa tinapay, isang makinis na kahoy na ginagamit sa paghiwa ng tinapay. Noong 1970s, maaari nang gamitin ang solderless breadboard plugboard, isang terminal array board) at ngayon ay mas kilala bilang “breadboard”. Ang “breadboard” ay nangangahulugan ding “prototype”.
Dahil ang solderless breadboard ay hindi nangangailangan ng pagsosolder, ito ay magagamit muli. Ginagawa nitong madali ang paggawa ng temporaryong prototipo at ang pag-experimento sa disenyo ng circuit. Dahil sa rason na ito, ang mga solderless breadboard ay naging labis na popular sa mga estudyante at sa mga nasa edukasyong teknolohikal. Walang ganitong katangian ang mga sinaunang uri ng breadboard. Ang stripboard (veroboard) at ang mga katulad na prototyping printed circuit boards, na ginagamit para gumawa ng temporaryong nahinang na prototipo o mga nagagamit nang isang beses lamang, ay hindi madaling magamit muli. Sari-saring sistemang elektronik ang pwedeng iprototipo gamit ang mga breadboard, mula sa maliliit na analog at digital circuits hanggang sa kumpletong mga central processing unit (CPUs).
Sa mga unang panahon ng radyo, pinapako ng mga apisyonado ang mga tansong alambre na walang balat sa isang kahoy na tabla (kadalasan ay isang literal na tabla para sa paghiwa ng tinapay) at ihihinang ang mga elektronikong komponent dito. Minsan, ididikit muna ang isang papel na eskematikong dayagram sa tabla bilang gabay sa paglagay ng mga dulo ng mga bahagi, saka ilalagay ang mga komponent at alambre sa ibabaw ng kanilang simbolo sa dayagram. Karaniwan ding ginagamit ang mga tamtak o maliliit na pako bilang salalayan.