Brioche
Ang brioche ay isang pastelerya mula sa Pransiya na may malasa at malambot na balat dahil gawa ito sa maraming itlog at mantikilya. Inilarawan ito ni kusinero Joël Robuchon bilang "magaan at medyo alsado, pino o hindi, depende sa proporsyon ng mantikilya at itlog".[1] Matingkad, kulay ginto, at patumpik-tumpik ang balat nito, na kadalasang pinapahiran ng itlog pagkatapos ng huling pag-alsa.
Uri | Pastelerya |
---|---|
Kurso | Almusal, panghimagas, meryenda at ulam bilang tinapay ng burger |
Lugar | Pransiya |
Pangunahing Sangkap | Harina, itlog, mantikilya, gatas, tubig, krema |
|
Itinuturing na Viennoiserie ang brioche dahil magkapareho ang pagkagawa nito sa tinapay ngunit mas kalasa nito ang pastelerya dahil sa pagdagdag ng mga itlog, mantikilya, likido (gatas, tubig, krema, at, minsan, brandy) at paminsan-minsan asukal. Nagbubuo ang brioche, pati ang pain au lait at pain aux raisins—na karaniwang inaalmusal o minemeryenda—ng alsadong subgrupo ng Viennoiserie. Kadalasang inihuhurno ang brioche na may dinagdag na prutas o pira-piraso ng tsokolate at inihahain nang walang kasama o bilang batayan ng isang panghimagas, na may maraming rehiyonal na baryasyon sa mga sangkap, palaman, o binudbod.
Mga anyo
baguhinSa lutuin, maaaring gamitin ang brioche sa maraming paraan, at samu't sari ang mga anyo nito, inihahain na tinapay lang o pinalamanan, tulad ng coulibiac, o ng maraming iba pang malinamnam na palaman, tulad ng filet de boeuf en croute, foie gras, sausage, cervelat lyonnais.[1] Maaari ring ihain ang bricohe na may palamang matamis, lalo na ang mga sariwang prutas, kremang baynilya, o halaya.[2] Maaaring maglagay ng frangipane sa ibabaw ng lumang brioche para makagawa ng bostock.[3]
Kasaysayan
baguhinNapetsahan ng 1404 ang unang naitalang paggamit ng salita sa wikang Pranses.[4] Atestado ito noong 1611, sa A Dictionarie of the French and English Tongues ni Cotgrave, kung saan inilalarawan ito bilang "isang rolyo, o bonete, ng pinaanghang na tinapay" at Norman ang nakalagay na pinagmulan nito.[5]
Sa Pransiya, nabuo ito bilang "isang uri ng tinapay na pinahusay mula sinaunang panahon ng mga henerasyon ng mga panadero, tapos ng mga pastelero ... na may mantikilya, ilang itlog, asukal sa kalaunan ... na nalinang ito mula sa pinabanal na tinapay [pain bénit] ng simbahan na unti-unting naging mas de-kalidad, mas mahal, mas kaunting tinapay; hanggang naging malinamnam na brioche".[6] Noong ika-17 siglo, ipinakilala ang "pâté à tarte briochée", "a pain à brioche pauvre [pangmahirap] ... [gamit lang ng] 3 itlog at 250 gramo [8 oz] ng mantikilya kada 1 kilogramo [2 lb] ng harina".[7] Ang mga katawagang pain bénit at brioche ay minsang ginagamit nang magkasama o halos magkapalit; kaya, halimbawa, sa isa pang resipi noong ika-17 siglo na pinamagatang: "CHAPITRE II. Pain bénit, & brioches." Nag-uumpisa ito sa mas magaan, mas murang bersiyon ng pinabanal na tinapay, na nangangailangan ng "isang libra ng sariwang mantikilya at malambot na keso [ngunit walang itlog!] kada tabo ng harina"; at nagpapatuloy sa paglalarawan ng "mas pino na tinatawag nating Pinsan," na gumagamit ng 3 libra ng mantikilya, dalawang uri ng keso, at isang royal na kuwartilyo ng itlog para sa parehong dami ng harina, pati na rin ang "kaunting gatas na maganda" kung masyadong matigas ang masa."[8] Subalit mas karaniwan pa rin noon ang pinaasim at paghahanda ng lebadurang panserbesa hanggang sa susunod na siglo. Ang "pinabanal na tinapay ... ay mas madalas na pinalitan ng brioche" noong ika-18siglo, kung kailan "pinakamataas ang tingin sa mga mula Gisors at Gourmay, mga dakilang merkado ng mantikilya."[9]
Isinalaysay ni Jean-Jacques Rousseau, sa kanyang sariling talambuhay na Confessions, na "isang dakilang prinsesa" ay sinasabing nagpayo sa mga magsasaka na walang tinapay, "Qu'ils mangent de la brioche", karaniwang isinasalin bilang "Hayaan silang kumain ng keyk." Karaniwan pero mali ang pag-uugnay ng kasabihan nito kay Reyna Marie-Antoinette, asawa ni Louis XVI.[10][11][12]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Robuchon, Joël, pat. (2007). Le Grand Larousse Gastronomique (sa wikang Pranses). Paris: Larousse. p. 134. ISBN 978-2-03-582360-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Breakfast brioche recipe" [Resipi ng pang-alumsal na brioche]. Delicious magazine (sa wikang Ingles).
- ↑ Ray, Tamal (6 Hulyo 2019). "Tamal Ray's recipe for brioche bostock" [Resipi ni Tamal Ray para sa brioche bostock]. The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2019.
Doon din ako nakaitim sa unang pagkakataon ng bostock, isang pasteleryang Pranses na orihinal na ginawa bilang matipid na paraan upang magamit ang lumang brioche.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brioche". Le Trésor de la Langue Française informatisé. Analyse et Traitement Informatique de la Langue Française. Nakuha noong 19 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cotgrave's 1611 French/English Dictionary" [Diksiyonaryong Pranses/Ingles ng 1611 ni Cotgrave] (sa wikang Ingles). pbm.com. Nakuha noong 19 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ La très belle et Très exquisse histoire des gateaux et des friandises by Toussaint-Samat, Paris: Flammarion, 2004, mga pa. 189–192
- ↑ Grande Histoire de la Patisserie-Confiserie française by S. G. Sender & Marcel Derrien, Geneva 2003, Minerva Press, p. 72
- ↑ Nicolas de Bonnefons, "Les Délices de la Campagne," Amsteldan, chez Raphael Smith: 1654, LIVRE PREMIER. CHAPITRE II
- ↑ Grande Histoire de la Patisserie-Confiserie française ni S.G. Sender & Marcel Derrien, Geneva 2003, Minerva Press, pa. 127
- ↑ Fraser, Antonia (2002). Marie Antoinette: The Journey [Marie Antoinette: Ang Paglalakbay] (sa wikang Ingles). Anchor. pp. xviii, 160. ISBN 978-0385489492.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lever, Évelyne; Temerson, Catherine (2000). Marie-Antoinette: The Last Queen of France [Marie-Antoinette: Ang Huling Reyna ng Pransiya] (sa wikang Ingles). St. Martin's Griffin. pp. 63–65. ISBN 978-0312283339.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lanser, Susan S. (2003). "Eating Cake: The (Ab)uses of Marie-Antoinette". Sa Goodman, Dena; Kaiser, Thomas E. (mga pat.). Marie Antoinette: Writings on the Body of a Queen [Marie Antoinette: Mga Sinulat sa Katawan ng Reyna] (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 273–290. ISBN 978-0415933957.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)