Ang Brunate (Comasco: Brunaa [bryˈnaː]) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Como, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Mayroon itong humigit-kumulang 1,800 residente, ngunit mas maraming tao sa tag-araw, tuwing ang mga turista ay umuupa ng mga bahay at apartment.

Brunate

Brunaa (Lombard)
Comune di Brunate
Lokasyon ng Brunate
Map
Brunate is located in Italy
Brunate
Brunate
Lokasyon ng Brunate sa Italya
Brunate is located in Lombardy
Brunate
Brunate
Brunate (Lombardy)
Mga koordinado: 45°49′N 9°6′E / 45.817°N 9.100°E / 45.817; 9.100
BansaItalya
RehiyonLombardy
LalawiganComo (CO)
Mga frazioneCao, Carescione, Laghetto, Nidrino, Piani di Brunate, San Maurizio
Pamahalaan
 • MayorDavide Bodini
Lawak
 • Kabuuan2.03 km2 (0.78 milya kuwadrado)
Taas
715 m (2,346 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan1,715
 • Kapal840/km2 (2,200/milya kuwadrado)
DemonymBrunatesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
22034
Kodigo sa pagpihit031
Santong PatronSan Andres Apostol
Saint dayNobyembre 30
WebsaytOpisyal na website

Tinatanaw ng bayan ang Como, na nasa baybayin ng Lawa Como mga 500 metro (1,600 tal) sa ibaba. Sa maikling panahon sa huling bahagi ng ika-12 siglo, ang Brunate ay isang independiyenteng komunidad, ngunit noong 1240 ay bumalik ito sa suseraniya ng Como.

Ang Como at Brunate ay pinag-uugnay ng isang matarik, makitid, paliko-likong kalsada, at ng funicular Como–Brunate.

Si Alessandro Volta ay nanirahan sa Brunate sa isang maikling panahon - ang parolang Faro Voltiano sa distrito ng San Maurizio, ay itinayo at pinangalanan sa kaniyang karangalan. Ang Bulgarong makata na si Pencho Slaveykov ay namatay sa bayan noong Hunyo 10, 1912.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin