Buenaventura S. Medina, Jr.

Si Buenaventura S. Medina, Jr. ay isang Pilipinong manunulat ng higit sa 25 na libro. Karamihan dito ay mga nobela at libro sa kritisismo. Isa sa mga gawa nito ang Saan Patungo ang Langay-langayan?.

Buenaventura S. Medina, Jr.
Kapanganakan1928
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasan ng Dulong Silangan
Pamantasang Centro Escolar
Trabahomanunulat

Kabataan

baguhin

Si Medina ay pinanganak noong 1 Disyembre 1928. Nagtapos siya ng BA at MA sa Ingles sa Far Eastern University at Ph. D. sa Centro Escolar University. Sumulat siya ng mga dokumento na pinakita sa mga internasyonal na kumperensiya sa Japan at Thailand. Naging professor din siya sa Far Eastern University, Ateneo de Manila University, at De La Salle University.

Mga Parangal

baguhin

Kabilang sa mga nalimbag niyang gawa ay ang Pintig (1969), Gantimpala (1972), Confrontations, Past and Present in Philippine Literature (1974), The Primal Passion, Tagalog Literature in the Nineteenth (1976), Francisco Baltazar's Orosman at Zafira (1991) at Moog and Alaga (1993). Ginantimpalaan din siya kanyang mga essay at maiikling kuwento. Nagtrabaho din siya bilang editor ng mga magasin gaya ng Free Press. Siya ay napabilang sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1996. Pinarangalan din siya ng South East Asia Writer Award (SEAWRITE) noong 1994. Nagkaroon din siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award for Literary Criticism.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.