Ang bukayo ay isang panghimagas sa Pilipinas na gawa mula sa mga pinatamis na piraso ng buko. Ayon sa kaugalian, ginagawa ito sa pagpapakulo ng mga pira-pirasong buko sa tubig at sinuklob, isang uri ng tubong maskabado na pinapatunaw hanggang malakaramelo ang lapot nito.[1][2][3][4] Kilala bilang bokarilyo ang mga mas tuyong at mas malutong na uri ng bukayo.[4] Maaaring kainin ang bukayo nang mag-isa, kadalasang ibinibilot sa mga maliliit na bola. Maaari rin silang gamitin bilang palamuti at palaman para sa mga ibang panghimagas, lalo na para sa pan de coco at empanadang sinudlan.[2][5]

Bukayo
Itaas: Bukayong kagagawa-gawa lamang;
Gitna: Binalot na bukayo sa isang tindahan sa Silay;
Ibaba: Bitsu-bitsu na may palamang bukayo
Ibang tawagBucaio, bucayo, bokayo, bukayu, bukhayo, conserva de coco
UriPanghimagas
LugarPilipinas
Pangunahing SangkapBuko, tubig, asukal o pulang asukal
BaryasyonBokarilyo

Kabilang sa mga alternatibong pagbaybay ng bukayo ang bucaio, bucayo, bokayo, bukhayo, at bukayu. Noong pamamahala ng Espanya sa Pilipinas, kilala ito bilang conserva de coco sa wikang Kastila.[5][6] Kilala rin ito bilang hinti sa wikang Tausug.[7]

Kung minsan kilala ang panutsa sa Pilipinas bilang bukayo mani.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bukayo Recipe". Pinoy Recipe at Iba Pa. 28 Nobyembre 2014. Nakuha noong 20 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Bukayo". Ang Sarap. 16 Enero 2013. Nakuha noong 20 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jesse D. Dagoon, Aida L. Dagoon, & Jasmin Flora L. Dagoon (1997). Culinary Arts II: Specialized Course in Home Technology for the Fourth Year High School. Rex Bookstore, Inc. pp. 151–152. ISBN 9789712321573.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. 4.0 4.1 "Bukayo / Bocarillo". Fiipino-food-recipes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2018. Nakuha noong 20 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-21. Nakuha noong 2020-07-02.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jean-Paul G. Potet (2017). Ancient Beliefs and Customs of the Tagalogs. Lulu Press Inc. p. 235. ISBN 9780244348731.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Polistico, Edgie. "daral". Philippine Food Illustrated. Nakuha noong 15 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.