Bundok Sion
Ang Bundok Sion (Hebreo: הַר צִיוֹן, Har Tsiyyon; Arabe: جبل صهيون, Jabel Sahyoun) ay isang burol sa Jerusalem sa labas ng mga pader ng Lumang Lungsod. Sa kasaysayan, naikakabit ang Bundok Sion sa Bundok ng Templo.[1] Sa Biblia, kasingkahulugan ng Bundok Sion ang Bundok Moriah, ang lugar kung saan ginapos si Isaac at ang Templo ng mga Hudyo. Ginagamit din ang kataga sa buong Lupain ng Israel.[2]
Bundok Sion | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 765 metro |
Mga koordinado | 31°46′18.33″N 35°13′43.65″E / 31.7717583°N 35.2287917°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Jerusalem |
Matatagpuan ang burol sa timog-kanluran sulok ng Lumang Lungsod ng Jerusalem na karugtong ng Bundok ng Templo. Maraming simbahan at maliit na mga sementeryong Kristiyano at Hudyo sa bundok na ito. Kalahati ng Bundok Sion ay nasa Lumang Lungsod, doon sa tirahan (quarter) ng mga Hudyo at taga-Armenia. Ang libingan ni Haring David ay nasa tuktok ng Mount Sion.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Significance of Jerusalem: A Jewish Perspective
- ↑ This is Jerusalem, Menashe Harel, Canaan Publishing, Jerusalem, 1977, pp.194-195