Buwitre
Ang mga buwitre o Vulture ay mga ibong nanginginain ng bangkay o patay nang mga hayop. Natatagpuan ang mga buwitre sa bawat kontinente maliban na lamang sa Antartiko at Oceania. Isang partikular na katangian ng maraming mga buwitre ang pagkakaroon ng kalbong ulo, na walang mga balahibo. Ipinapakita ng mga pananaliksik na maaaring may malaking pagganap ang nakalitaw o lantad na balat ng mga ibong ito sa termoregulasyon o pagtimpla ng init o temperatura ng katawan.[2]
Buwitre o Vulture | |
---|---|
Lammergeier at Alpenzoo, Innsbruck, Austria | |
Black vulture in Panama | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Families | |
Tinatawag na "lamay" (wake sa Ingles) ang isang pangkat ng mga buwitre[3]. Ang salitang Geier (nagmula sa wikang Aleman) ay walang tiyak na kahulugan sa ornitolohiya, at paminsan-minsang ginagamit upang tukuyin ang isang buwitre sa wikang Ingles, katulad ng sa ilang panulaan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Fossilworks:Aegypiinae". Fossilworks. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 17 December 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑
Ward, J.; McCafferty, D.J.; Houston, D.C.; Ruxton, G.D. (2008). "Why do vultures have bald heads? The role of postural adjustment and bare skin areas in thermoregulation". Journal of Thermal Biology. 33 (3): 168–173. doi:10.1016/j.jtherbio.2008.01.002.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Lipton, James. An Exaltation of Larks, Penguin, 1993
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.