Ang Cabinda (Padron:Lang-kg) ay isang lungsod sa lalawigan ng Cabinda, isang panlabas na teritoryo (exclave) ng Angola. Ang soberanya ng Angola sa Cabinda ay pinagtatalunan ng naghihiwalay na Republika ng Cabinda. Sakop ng munisipalidad ng Cabinda ang 1,823 kilometrong parisukat (704 milyang parisukat) na lawak at may 598,210 katao noong 2014. Ang tawag sa mga naninirahan sa lungsod ay Cabindas o Fiotes. Dahil sa lapit nito sa mayamang mga reserba ng langis, ang Cabinda ay nagsisilbing isa sa pangunahing mga pantalang panlangis ng bansa.[1][2]

Cabinda

Tchiowa

Cidade de Cabinda
Munisipalidad at lungsod
Kapilya ng Rainha do Mundo sa Cabinda
Kapilya ng Rainha do Mundo sa Cabinda
Opisyal na sagisag ng Cabinda
Sagisag
Cabinda is located in Angola
Cabinda
Cabinda
Kinaroroonan sa Angola
Mga koordinado: 5°33′36″S 12°11′24″E / 5.56000°S 12.19000°E / -5.56000; 12.19000Mga koordinado: 5°33′36″S 12°11′24″E / 5.56000°S 12.19000°E / -5.56000; 12.19000
Bansa Angola
LalawiganCabinda
Itinatag1883
Katayuang panlungsod1956
Lawak
 • Kabuuan1,823 km2 (704 milya kuwadrado)
Taas
24 m (79 tal)
Populasyon
 (Senso 2014)
 • Kabuuan598,210
 • Kapal330/km2 (850/milya kuwadrado)
KlimaAw

KasaysayanBaguhin

Itinatag ng mga Portuges ang lungsod noong 1883 kasunod ng paglagda ng Kasunduan ng Simulambuco, sa parehong panahon ng Pulong sa Berlin.

HeograpiyaBaguhin

Matatagpuan ang Cabinda sa baybaying-dagat ng Karagatang Atlantiko sa timog ng lalawigan ng Cabinda, at nakapuwesto ito sa kanang pampang ng Ilog Bele.[1] Ito ay nasa layong 56 na kilometro (35 milya) hilaga ng Moanda (DR Congo), 70 kilometro (43 milya) hilaga ng bunganga ng Ilog Congo, at 137 kilometro (85 milya) timog ng Pointe-Noire (Rep. ng Congo).[3]

Mga distritoBaguhin

Nahahati ang Cabinda sa tatlong mga distrito o "comuna":

  • Cabinda, ang sentrong pampangasiwaan ng lungsod na tahanan ng 88.6% ng populasyon nito
  • Malembo, tahanan ng 3.1%
  • Tando-Zinze, tahanan ng 8.3%[4]

DemograpiyaBaguhin

Mga wikaBaguhin

Ang Ibinda na isang wika ng Bantu ay ang pangunahing wika ng kapuwa lungsod at lalawigan ng Cabinda.is the primary.[2] Sinasalita rin ang wikang Portuges, ang opisyal na wika ng Angola, bagamat pangkaramihan sa gampaning pampangasiwaan. Sapagkat sinakop ng mga Portuges ang Cabinda sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon kung ihahambing sa ibang bahagi ng Angola, hindi malawakang sinasalita ang Portuges. Gayunpaman, mabilis na lumalaki ang bilang ng mga nagsasalita ng Portuges.

TransportBaguhin

Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Cabinda.

Noong 2012, ipinapanukala ang isang karugtong ng daambakal upang ikabit ito sa pangunahing sistemang daambakal ng Angola, subalit kinailangan pa itong tumawid sa lupain ng Demokratikong Republika ng Congo.

TalasanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 "Cabinda". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica Inc. 2014. Nakuha noong 2014-06-21.
  2. 2.0 2.1 "Cabinda" (sa wikang Portuges). Luanda, Angola: Info-Angola. 2014. Itinabi mula sa orihinal noong 2015-11-25. Nakuha noong 2014-05-21. Cite uses deprecated parameter |dead-url= (tulong)
  3. Google. "Cabinda (city)" (Mapa). Google Maps. Google.
  4. "Region 1: Cabinda". Postcode Query. 2014. Nakuha noong 2014-06-21.

BibliograpiyaBaguhin

  • Esteves Pereira; Guilherme Rodrigues, mga pat. (1906). "Cabinda". Portugal: Diccionario Historico... (sa wikang Portuges). 2. Lisbon: Joao Romano Torres. OCLC 865826167.

Mga kawing panlabasBaguhin